Sam YG biktima ng pambu-bully
Naranasan pala ni Sam YG na maging biktima ng bullying noong nag-aaral pa siya sa isang sikat na private school for boys.
Affected much si Sam YG sa mga panunukso ng mga kaklase niya, ang tawagin siya na Bumbay, 5-6 at kung anik-anik pa na traumatic para sa isang bagets.
Nalampasan ni Sam ang mga pang-aapi ng kanyang mga kaklase pero hinding-hindi niya malilimutan ang mga karanasan na puwedeng isadula sa Magpakailanman.
Ang pagiging bullying victim niya noon ang ilan sa mga napag-usapan kahapon sa presscon ng Vintage Trip, ang morning show ni Sam YG na mapapanood sa GMA News TV simula sa darating na Sabado, October 29.
Excited na excited si Sam dahil informative at educational ang Vintage Trip na dapat panoorin ng mga bata ngayon na walang alam tungkol sa nakaraan.
Artistang nag-attitude nang magkapangalan ikinatutuwang mawawalan na ng show
Imbes na malungkot, natuwa ang mga tao na malapit sa isang artista dahil malapit nang magbabu sa ere ang television show nito.
Para sa concerned friends ng artista, humbling experience ang pagkawala ng programa nito sa telebisyon dahil nagbago ang ugali niya nang magkaroon siya ng name sa showbiz.
It’s about time raw na kumain ng “humble pie” ang artista na tinutukoy ko para magising siya sa katotohanan na nothing lasts forever kaya mahalaga ang pakikisama nang maayos sa mga katrabaho.
Huwag nang hintayin ng artista na maging another Kris Aquino siya na nag-dialogue ng “I over estimated my worth” nang magbabu siya sa ABS-CBN. Hindi ko sinasabi na lumaki ang ulo ni Kris at lalong hindi siya ang subject ng blind item na ‘to ‘huh!
AiAi proud sa kanyang area
Nagpapasalamat si AiAi delas Alas sa lahat ng mga pumupuri sa acting niya sa Area.
Bibiyahe si AiAi sa Amerika pero bago siya umalis, pinaplano niya na magkaroon ng special screening ang Area para sa kanyang friends and relatives.
Ganyan ka-proud si AiAi sa indie movie niya na nanalo ng Special Jury Prize sa Eurasia International Film Festival. Higit sa lahat, nakatanggap si AiAi ng mga papuri mula sa mga foreign director na bumilib sa acting na ipinakita niya sa Area.
Snooky hindi nababakante
Ngayong gabi ang press launch ng Hahamakin Ang Lahat ng GMA-7.
Starring sa Hahamakin Ang Lahat sina Ariel Rivera, Snooky Serna, Eula Valdez, Joyce Ching. at Kristoffer Martin.
Hindi na nawawalan si Snooky ng mga TV assignment dahil ipinakita niya na versatile actress siya sa Poor Señorita, ang nagbabu na primetime teleserye ni Regine Velasquez sa GMA-7.
- Latest