^

Pang Movies

Drama actor hindi mapiga sa pinagdaraanang depression!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Magaling umiwas ang drama actor na ito kapag tinatanong siya tungkol sa kanyang personal na buhay.

Dinadaan na lang niya sa ngiti at biro para lang hindi niya masagot ang anumang personal na tanong. Nakasalubong nga namin ang controversial drama actor na ito sa isang mall sa Makati City at napansin nga namin na medyo tumaba ito.

Huli kasi naming nakita si drama actor na maganda ang pangangatawan at pinaghahandaan pa niya noon ang isang underwear fashion show. Agad naming naisip na baka totoo nga ang balitang dumaan sa depression ang drama actor dahil sa nangyari sa pakikipagrelasyon niya sa isang drama actress.

Nawalan daw ito ng ganang mag-workout at mag-diet kaya biglang tumaba.

Pero sa saglit na kuwentuhan namin ay nabanggit niya na balik siya sa pag-workout dahil may sisimulan siyang bagong indie film.

Kahit na anong pagpapaikot namin sa kanya, ayaw niyang sagutin ang anumang personal sa buhay niya. Tanging nasagot lang niya ay “masaya po ako ngayon”.

AiAi proud gf kay Gerald

Naka-graduate na ang boyfriend ni Comedy Queen AiAi delas Alas na si Gerald Sibayan noong nakaraang October 15 mula sa De La Salle University - Manila at kabilang ito sa mga graduate na lumakad sa PICC. Proud girlfriend naman si AiAi na nag-congratulate sa kanyang “darling” via Instagram:

 “Congrats my darling sa iyong graduation day. This is it...and kay papa and mama mo na pinalaki ka ng maayos at mabuting tao. Fly, and I will always be here to support you. Good luck in all your endeavors.”

Nagkaroon din ng graduation party para kay Gerald at inawitan pa siya ng The Graduation March na parte ng kantang Pomp and Circumstance.

Graduate si Gerald ng Bachelor of Arts in Sports Studies.

Michael Jackson pinakamalaki ang kita sa lahat ng mga sikat na patay na!

Ang yumaong King of Pop na si Michael Jackson ang siya pa ring nangunguna sa top-earning dead celebrities sa ika-apat na taon. Noong 2009 pa pumanaw si Jackson pero kumita pa rin ito ng higit kumulang na  $825 million ayon sa Forbes magazine. 

Galing ang kinita ng late singer sa kanyang estate na kumita ng $750 million at sa Sony/ATV music publishing catalog kung saan kasama ang Beatles songs.

Kasama rin sa listahan ay si Prince na kumita ng $25 million dahil sa kanyang album sales na tumaas noong binalitang pumanaw siya dahil sa drug overdose. Hindi mawawala sa listahan si David Bowie na bago namatay ay nakapag-release pa ng bagong album. Kumita ito ng $10.5 million.

vuukle comment

DRAMA ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with