^

Pang Movies

Elmo may chance kay Janella

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kinakitaan na agad ng malakas na chemistry ang ElNella loveteam na sina Elmo Magalona and Janella Salvador sa trailer pa lang ng Born For You na bagong serye nila sa ABS-CBN under Dreamscape Entertainment.

Kaya naman ang tanong sa kanila sa presscon, posible bang ma-in-love rin sila sa isa’t isa at mauwi rin sa totohanan ang loveteam nila tulad din ng KathNiel, KimXi and JaDine loveteams.

“Ako naman, ang answer ko diyan, there’s a big chance po kasi, nung na-meet ko siya, he’s such a gentleman talaga. He’s really gonna make an effort to become close to you,” sabi ni Janella.

Dagdag pa ng young actress, marami raw bagay na pinagkakasunduan sila ni Elmo.

“So, we’ll see in time if ka-red string ko talaga siya,” she said.

Ang tagline kasi ng Born For You, lahat tayo ay may ka-red string or tinatawag na ka-destiny. That’s why sa trailer, makikitang may magkabilang red strings kina Elmo and Janella.

When asked kung may ka-red string ba siya ngayon or boyfriend, say ni Janella ay never pa siyang nagka-BF since she just turned 18 last March.

Say naman ni Elmo, napaka-attractive daw ni Janella at napakara­ming traits na magugustuhan ng isang guy.

“She’s actually an ideal girl. She’s very beautiful, charismatic, talented and she loves her family. She’s like a girl next door type,” say ni Elmo.

Magsisimula nang umere ang Born For You this June 20 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para walang ebidensiya Maja binura ang ‘misteryosong’ bulaklak at chicharon ni Coco!

Nagtataka ang mga supporters at fans ni Maja Salvador kung bakit binura agad ng aktres ang picture na in-upload nito kung saan ay makikita si Coco Martin na may flowers and chicharon sa tabi.

Kinilig pa naman ang CocoJam (name ng loveteam nina Coco and Maja) fanatics sa larawang iyon at in-assume agad nila na para kay Maja ang bulaklak at chicharon mula sa aktor.

Say naman ng isa, okay lang daw kung para sa eksena lang ng FPJ’S Ang Probinsyano ang flowers and chicharon at happy na sila dahil ibig sabihin ay magkakatuluyan na ang mga cha­racters nina Coco and Maja na sina Cardo and Glen.

Pero bigla nga agad itong nawala sa IG ni Maja kaya nag-react agad ang kanyang mga followers.

Anyway, nagtala ng mataas na ratings ang episode last Wednesday kung saan ay napanood na nga si Angelica Panganiban bilang si Martha, isang babaeng sangkot sa lumalalang kalakalan ng droga sa bansa.

Base sa datos ng Kantar Media National TV Ratings, nagtala ang FAP ng 43.3% nationwide.

Kathryn at Daniel magtatagal sa Spain

Umalis na last Wednesday night ng bansa sina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla para mag-shoot ng kanilang movie under Star Cinema na idinidirihe ni Olivia “Inang” Lamasan.

Sa Barcelona, Spain ang destinasyon ng KathNiel at med­yo magtatagal sila roon dahil almost 90% ng pelikula ay doon kukunan.

Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ay nagpahayag ng suporta sa magka-loveteam. Nag-post si Queen Mother ng larawan ng dalawa na nasa airport.

“Have a safe flight Kathniel! enjoy shooting your movie in Barcelona. ngayon pa Lang, lahat Kaming Mga nagmamahal at kakampi ay super proud NA Sa inyo at Sa lahat Ng bumubuo NG pelikulang ito!!!” caption ni Karla.

For sure ay masayang-masaya ang magka-loveteam dahil noon pa nila laging sinasabi sa mga interview na sobrang excited na silang mag-shoot sa Spain.

Tiyak na aabangan ng fans ang mga larawang ipo-post ng dalawa sa kani-kanilang social media accounts.

vuukle comment

SALOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with