^

Pang Movies

Overage puwedeng title!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Welcome kay Snooky Serna ang suggestion ng entertainment press na muli silang magsama sa isang proyekto ng kababata niyang si Maricel Soriano.

Maganda rin daw kung makakasama nila sa isang proyekto ang co-Underage star na si Dina Bonnevie.

Ang suggestion ng entertainment press, Overage ang gawing titulo ng kanilang proyekto na ikinatawa lang si Snooky.

Dahil mas identified siya ngayon sa GMA 7 dahil kasama siya sa cast ng Poor Señorita at sa Kapuso Network din naman ang last shows nina Maricel (Ang Dalawang Mrs. Real) at Dina (Beautiful Strangers), sabi ni Snooky, sana raw ay maisipan ng management ng Siyete na gawan nga sila ng proyekto.

Manilyn gusto munang magpapayat bago pakasal kay Aljon

Guest lang pala sa Poor Señorita si Manilyn Reynes. Sa taping kasi niya noong isang araw, may eksena na raw siya na nagpaalam sa character na ginagampanan ni Regine Velasquez-Alcasid, kaya hindi pa sure ang misis ni Aljon Jimenez kung mae-extend ang guesting niya sa nasabing teleserye.

Sa tsikahan namin kay Manilyn, nabanggit niya na maraming offer sa mister na si Aljon na magbalik-telebisyon pero hindi pa raw tumatanggap ng comeback project ang kanyang mister.

Sa ngayon, si Aljon ang nagma-manage ng career ni Manilyn at ayon sa actress/singer, mas okay ‘yon dahil alam daw mismo ng kanyang mister ang mga gusto at ayaw niya sa isang proyektong ino-offer sa kanya.

Nakakatuwa nga pala sina Manilyn at Aljon dahil ang huli ang mas nagluluto sa kanilang dalawa.

Napakagaling daw magluto ng mister ni Manilyn at wala raw itong nasasayang na pagkain dahil kahit ‘yung mga tira-tirang pagkain na lang sa kanilang refrigerator ay nagagawan pa ng paraan ni Aljon para maging isang bagong putahe.

Sa tanong kung kailan nila balak magkaroon ng church wedding, sinabi ni Manilyn na darating din ‘yon, pero gusto nilang mas mapaghandaan.

Gusto rin ni Manilyn na makapagpapayat muna.

Alvin sinabayan para lumiit ang misis

Speaking of pagpapapayat, 33 pounds na pala ang nabawas na timbang ni Cindi Conwi-Patrimonio, misis ng dating PBA superstar na si Alvin Patrimonio.

Sobrang diet at exercise ang ginagawa ni Cindi, pero lately, hindi na raw siya nababawasan ng timbang.

Si Alvin din ay obvious na pumayat na rin.

Very happy ang married life ngayon nina Alvin at Cindi kahit nagkaroon pa ng mga intriga noon.

Kung matatandaan nga pala, na-link noong araw si Alvin kay Kris Aquino.

vuukle comment

LITRATLK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with