^

Pang Movies

Nora kinumpleto ang MMK!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Special guest sa ASAP this Sunday ang Superstar na si Nora Aunor.

Birthday kasi niya noong May 21 pero hindi masyadong bongga ang kanyang selebrasyon. May sakit kasi ang kapatid niyang si Buboy Villamayor at parang imposibleng magpakasaya pa si Guy. Hanggang sa dumating pa nga sa puntong nakiusap si Nora sa mga anak niya na dumalaw naman sa may karamdamang tiyuhin. May mga nagkokomento nga, kailangan pa bang ipakiusap na dumalaw sa isang may mabigat na karamdaman? Parang hindi na siguro ‘yun kailangan at konsensiya na lang.

Kumpleto na raw ang Maalaala Mo Kaya sabi ng mga nanay dahil naging guest na si Nora para sa nakaraang Mother’s Day episode nito. Sabihin mang isang daang sikat na artista pa ang nakalabas na sa MMK, still parang incomplete ito kapag walang napanood na Nora Aunor.

Willie tunog pera ang boses

Maraming nakakapansin na mahilig si Willie Revillame sa mga babaeng matataba sa kanyang programang Wowowin. Malimit niya mapili ang mga contestant na matatabang babaeng sumasayaw sa dance floor lalo pa’t hindi maipaliwanag ang kasoutan nito.

May napipili ding payatot pero bihira, masaya ang host at marami siyang napapaligayang mahihirap na sumasali sa contest kung kaya naman sa sobrang saya at tuwa ng mga nanonood sa studio, basta kumakanta si Willie tumitili pa sila sa tuwa na animoy si Jose Mari Chan ang naririnig. Tunog pera kasi ang boses ni Willie basta kumakanta na siya mamimigay na ng pera.  

John Lloyd walang reaction sa emote ni Angelica

Sana ibaling naman ni Angelica Panganiban ang paningin niya sa ibang bagay. Pulos na lang kasi kalungkutan, kabiguan at hinagpis niya sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz ang kanyang pinaiiral.

Kung tutuusin, nakakapagod din daw ang ginagawa niyang hirap ng loob pero si John Lloyd naman ay parang walang pakialam sa feeling na nararamdaman ng dalaga.

Sabi ng marami, sa ganda ni Angelica tiyak maraming lalaki ang magkakandarapa sa kanya at iwasan lang niyang isipin si John Lloyd. Who knows baka mas pogi pa kay Lloydie at very rich ang matagpuan niya kapag nagbago siya ng pananaw sa kanyang buhay. Sabi nga nila kung hindi ukol, ‘di bubukol.

Personal…

Congrats kina Monsour Del Rosario na bagong congressman sa Makati, Yul Servo Nieto sa third district ng Manila, Alfred Vargas na congressnan sa Quezon City at sa Bulacan Vice Governor na si Daniel Fernando.                                                                                                          

vuukle comment

GABUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with