^

Pang Movies

Dapat tularan ng ibang artista Cesar walang planong ipangalandakan ang pagkapanalo sa demanda ni Sunshine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

It’s confirmed and final. Hindi na magsasalita si Cesar Montano tungkol sa pagbasura ng Quezon City Prosecutors Office sa child abuse complaint laban sa kanya ng misis na si Sunshine Cruz.

Sapat na ang official statement na inilabas ng legal coun­sel ni Cesar at ang pasasalamat ng aktor dahil umiiral pa rin ang hustisya sa bansa natin.

Actually, marami na pala ang nangyayari sa demandahan ng mag-asawa pero hindi nalalaman ng media dahil iginagalang ni Cesar ang justice system.

Agree ako sa pananahimik na ginagawa ni Cesar. Huwag na huwag niyang gagayahin ang ibang mga artista na palaging naka-report sa media ang mga update tungkol sa court cases nila kaya biglang natatameme kapag natalo ang kanilang mga ipinag­lalaban.

Pero natakot tumikim Allen Dizon kabisado ang pugad ng mga pokpok

Si Allen Dizon ang leading man ni AiAi delas Alas sa indie movie na Area.

Isinilang, lumaki, at nagkaisip si Allen sa Pampanga kaya knows niya ang Area, ang pugad ng mga babae na nagbebenta ng panandaliang-aliw sa mga kalalakihan para kumita ng datung.

Ang sey ni Allen, hindi niya nasubukan na pumunta sa Area dahil sa takot na magkasakit siya.

Moderno na ang panahon ngayon pero may mga lugar pa pala sa Pilipinas na tinatambayan ng mga sex worker.

Baka bilang na ang mga araw ng Area wo­men dahil sa expose na gagawin ng direktor na si Louie Ignacio sa pamamagitan ng indie movie na tatampukan nina AiAi at Allen.

 Aktor nakakasira raw sa inendorsong basketball!

Pinagtatawanan ang isang aktor dahil hindi siya cre­dible na endorser ng basketball.

Ang sey ng mga vaklush, trying hard endorser ang aktor dahil matagal nang questionable ang kanyang gender.

Imbes na makatulong, nakakasira raw ang aktor sa brand ng basketball na ipino-promote niya.

To the rescue naman ang mga vaklush na fan ng mga basketball game at basketball players. Ipinagtanggol nila ang aktor na may karapatan daw na mag-endorse ng bola dahil may mga basketball player at sports personalities na tago ang pagkabaklita.

Rufa Mae sa Amerika na maninirahan

Trev M. ang name ng fiancé ni Rufa Mae Quinto at Filipino-Chinese-American siya.

Confirmed na engaged na ang dalawa dahil naglabas na rin si Trev ng mga lit­rato ng kanilang engagement party sa San Francisco, California.

Hindi na kailangan ng mga reporter na makausap si Rufa Mae dahil masipag ito sa pagbibigay ng mga update tungkol sa engagement ng kanyang fiancé.

I-wish natin na humantong sa kasalan ang engagement nina Rufa Mae at Trev dahil kapag natuloy ito, malaki ang tsansa na manirahan na si Rufa Mae sa Amerika.

Love is Blind, positive ang feedback

Congrats kay Mother Lily Monteverde at sa kanyang anak na si Roselle dahil positive ang mga feedback sa Love Is Blind, ang Valentine’s Day offering ng Regal Entertainment, Inc.

Kagabi ang red carpet premiere ng Love Is Blind sa SM Megamall Cinema at umuwi na maligaya ang mga nanood dahil feel good ang pelikula nina Derek Ramsay, Solenn Heussaff, Kiray Celis, at Kean Cipriano.

Must see movie raw ang Love Is Blind dahil nakakatawa ang lahat ng mga eksena mula umpisa hanggang katapusan. Ilang araw na lang ang hihintayin ng mga nag-aabang sa Love Is Blind dahil palabas na ito sa mga sinehan sa February 10.

Chynna hindi na pinag-iinteresan ng mga reporter

Wala nang nagtanong kay Kean Cipriano tungkol sa kanyang misis na si Chynna Ortaleza sa recent presscon ng Love Is Blind.

Pinagbigyan ng entertainment press ang pakiusap ni Kean na ma­ging private ang personal relationship nila ni Chynna pero isang bagay ang sure ako, kung sakaling i-request ng mga reporter na huwag nang mag-post sina Kean at Chynna sa social media ng mga private moment nila, malamang na hindi sila mapagbigyan.

ACIRC

ALIGN

ALLEN DIZON

ANG

DAHIL

LEFT

LOVE IS BLIND

MGA

QUOT

RUFA MAE

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with