Sosyal, Jaguar ang service Alden nabuko na nakipaglamay muna bago nakipagkasal!
Itinanggi ni Pambansang Bae Alden Richards na kanya iyong red sports car na nai-post sa Twitter na may picture siya. Isang black Hyundai Santa Fe lamang ang kotse niya na gamit niya nang puntahan niya ang mga cancer survivors na inihanda ng Alden Nation sa Cucina ni Bunso.
Kahit may isa pang commitment si Alden, hindi siya tumangging puntahan ang fans na nagpasalamat sa kanya dahil naging part daw sila ng ka-love team niyang si Maine “Yaya Dub” Mendoza para gumaling sila.
Matapos ngang mai-post iyong red sports car ay may nag-post din na nakita raw may kasamang girl si Alden sa kotse, na siyempre pa ay inulan ng bashing ng fans ang nag-post at maging si Alden, kaya iyong nag-post ay biglang binura agad ang post niya.
Na-bash nga si Alden na kaya raw pala niya iniwanan si Maine sa reception ng Vic-Pauleen wedding, dahil may kasama siyang iba.
Sa aming pagtatanong tungkol sa red sports car issue, ang nakasagot sa amin ay ang katotong si Allan Diones. Totoo raw may kasama si Alden sa sportscar, pero si Ms. Malou Choa Fagar iyon, na after ng Eat Bulaga last Saturday, bago sila tumuloy sa kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna, ay isinama si Alden sa wake ng dating basketball player na si Mr. Caloy Loyzaga, ama ni Bing Loyzaga at father-in-law ni Janno Gibbs, na mina-manage ni Malou.
Favorite pala ni Mrs. Loyzaga si Alden kaya natuwa ito nang makita si Alden, nagpa-photo op siya at ang mga anak nina Bing at Janno na sina Alyssa at Gabrielle kay Alden.
Nag-post nga si Bing ng picture ng mommy niya at ni Alden, with a caption na “this man doesn’t need to be bashed.” Nakatanggap din kami ng picture na iyon na sabi’y mas inuna pa ni Alden iyon kaysa samahan si Maine.
Tungkol pa rin sa sports car, tiyak na nakitang inihatid si Alden sa St. James The Great Parish, pero sabi ni Malou, after daw ihatid si Alden, umalis na ang representative ng Jaguar na pina-test drive lamang kay Alden ang kotse pero wala namang balak bumili ang actor ng nasabing kotse. Sabi nga ni Alden, hindi raw niya kayang bumili ng ganoong kamahal na kotse.
Mabuti na lamang si Alden and even si Maine ay hindi na nagpapadala sa mga ganoong intriga.
Sabi pa ni Alden, for more than six months na magkasama sila halos araw-araw ni Maine, very comfortable na sila sa isa’t isa at alam naman nila ang totoo kaya tuloy lamang sila sa trabaho lalo pa ngayon na may bago na naman silang sinu-shoot na TV commercial na magkasama.
Anyway, gamit na gamit sina Alden Richards at Maine Mendoza sa promo ng isang Valentine show, to the point na sila na ang pinag-uusapan at hindi ang mga magpi-perform sa show.
Kahit ang AlDub Nation ay nagtatanong noon kung bakit hindi natuloy ang Valentine concert ng AlDub, pero sinagot na sila na noon pa namang nag-offer ang producer ng concert sa kanila, hindi na nila iyon tinanggap, kaya bakit sila aasa na may Valentine concert ang phenomenal love team?
- Latest