^

Pang Movies

Pero hindi siya ang nagbuntis Tyra Banks may baby na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ginulat ng former supermodel na si Tyra Banks ang marami dahil sa pag-announce niya na siya ay isang mommy na!

Proud na i-announce ni Tyra na siya ay mother na, through a surrogate mother. Isang miracle baby nga raw ito.

Baby boy ang anak ni Tyra at ng kanyang boyfriend na si Erik Asla. Pina­ngalanan nila itong York Banks Asla.

“The best present we worked and prayed so hard for is finally here. He’s got my fingers and big eyes and his daddy Erik’s mouth and chin. 

“As we thank the angel of a woman that carried our miracle baby boy for us, we pray for everyone who struggles to reach this joyous milestone. York Banks Asla, welcome to the world,” caption pa ni Tyra sa pinost niyang photo ng isang baby shirt sa Instagram.

Masayang-masaya naman ang boylet ni Tyra na si Erik dahil daddy na siya: “Witnessing the dawn of life is possibly life’s greatest gift.”

Vin natakot mawalanng trabaho

Kapwa hindi bothered ang mga produkto ng Artista Academy ng TV5 na sina Vin Abrenica at Akihiro Blanco na mawawalan sila ng trabaho dahil ang Viva Television na ang may control na ng kanilang mother studio.

Sa katunayan ay kasama nga sina Vin at Akihiro sa bagong bihis na WattPad Presents kung saan may mga sarili silang pinagbibidahan na episodes.

Ginawa nang weekly ang WattPad Presents at mas mahaba na ang oras nito kumpara noong daily pa lang ito. Tuwing Sabado na lang ito at 9:00 PM to 10:30 PM. Ang tawag na nila rito ay Wattpad Presents TV Movie.

“Never naman kami nag-alala dahil ipinagkatiwala naman kami ng TV5 sa Viva TV.

 “Tsaka it’s a good thing para sa aming mga artista ng Singko kasi nakaka­trabaho namin ang ibang mga artista. Ang saya kasi nakakapag-bonding kami sa taping,” ngiti pa ni Akihiro.

Para naman sa winner ng Artista Academy na si Vin, inamin nito na medyo natakot siya dahil baka hindi na sila maging priority pagdating sa pagbigay ng TV projects.

“Totoo po, medyo kinabahan ako noong malaman ko yung balita na Viva TV na ang hahawak ng entertainment division ng TV5.

“Kinausap naman kami at nangako sila na hindi kami mawawalan ng trabaho dahil may kontrata pa kami with the network.

“Nakahinga tayo ng maluwag kasi heto nabigyan na tayo ng trabaho at katrabaho pa namin ay iba’t ibang mga artista.”    

Leading man si Akihiro sa Wattpad episode na Avah Maldita kunsaan kaparehas niya sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome. Eere ito on February 6.

Samantalang si Vin naman ay ka-partner si Yassi Pressman sa Wattpad episode na Mysterious Guy In The Coffee Shop. Ipapalabas naman ito on February 13.    

Ang iba pang Wattpad episodes na aabangan ay My Soul Mate Is From Another Planet kunsaan bida si Bianca King at My Casanova Husband na bida si Meg Imperial.

Mga sikat na love songs noong ‘70s hanggang 2000 pinagsama sa concert

Nagsama-sama ang apat na hit makers of four decades sa isang kakaibang throwback Valentine show on February 13 sa PICC Plenary Hall titled #LoveThrowback.

Mula sa ‘70s ay nandiyan si Rico J. Puno na pinasikat ang mga song na Buhat, May Bukas Pa, Kapalaran, at Macho Guwapito.

Mula naman sa ‘80s ay nandiyan si Marco Sison na hindi nakakalimutan dahil sa hits niyang Make Believe and My Love Will See You Through.

Kasama rin sa ‘80s sina Gino Padilla na timeless ang song niyang Closer You & I at Let The Love Begin at ang Bagets stars na si Raymond Lauchengo na pampakilig at madamdamin pa rin ang mga songs na So It’s You, I Need You Back, Shadow Of Time, Farewell, at Saan Darating Ang Umaga?

Sa ‘90s naman, nandiyan si Chad Borja na paborito pa ring kantahin sa mga videoke bars ang kanyang hit song na Ikaw Lang; Wency Cornejo na OPM favorite ang Habang May Buhay, Mangarap Ka, Hanggang, at Next In Line.

Hindi puwedeng mawala sa ‘90s ang isa sa paboritong female singers na si Roselle Nava na memorable ang hit songs niyang Dahil Mahal Na Mahal Kita, Bakit Nga Ba Mahal Kita?, You, at Say That You Love Me.

Sa 2000 naman, si Nina ang may hits na Someday, I Love You Goodbye, Why Can’t It Be?, at Love Moves In Mysterious Ways.

Kaya kung lover of love songs kayo ng ‘70s, ‘80s, ‘90s and early 2000, ito ang show para sa inyo.

Tickets for #LoveThrowback are available at SM Tickets (472-2222), Ticketnet (911-5555) and TicketWorld (891-9999).

vuukle comment

ACIRC

AKIHIRO

ALIGN

ANG

LEFT

MGA

NAMAN

NBSP

QUOT

STRONG

TYRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with