^

Pang Movies

Barbie nakikitaan ng pagiging Juday!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang laki pala ng paghanga ni Bb. Joyce Bernal kay Barbie Forteza na una niyang naidirek as the young Rhian Ramos sa Pinoy adaptation ng Koreanovelang Stairway To Heaven na nakitaan niya ng pagiging Judy Ann Santos kaya after that gusto niyang muling makatrabaho ang tween princess. 

Natupad ito after how many years sa romantic-comedy series na That’s My Amboy, na mapapanood na simula sa Monday, January 25, after ng Little Nanay sa GMA 7.

Katambal ni Barbie si Andre Paras na ayon kay Direk Joyce, iba raw naman ang personality ni Andre kay Barbie, may pagka-sosyal at biro pa niya, ibang iba sa ama nitong si Benjie Paras dahil pang-matinee idol ang personality nito.

Kaya after the presscon, iyon ang naitanong kay Barbie Forteza, kung nagkasama na ba sila ni Judy Ann Santos o nagkita na sila nang personal.  Minsang nag-guest daw siya sa Eat Bulaga, nagkaroon siya ng chance makapagpa-picture kay Juday na bumisita rin sa husband nitong si Ryan Agoncillo sa noontime show. 

Ang masabi raw lamang ni Direk Joyce na nakitaan siya ng pagiging Judy Ann Santos, dream come true iyon dahil hangang-hanga siya sa actress. Sana nga raw ay magkatrabaho rin silang dalawa.

Back to That’s My Amboy, happy and na-relieve na raw sila pareho ni Andre sa mga iyakan scenes nila sa katatapos nilang afternoon prime na The Half Sisters.

Ngayon daw ay lalo silang madalas magkulitan sa set dahil masasaya rin at very supportive sa kanila ang cast ng mga mahuhusay na senior stars na sina John Arcilla, Tonton Gutierrrez (ang dalawa niyang tatay sa story) at si Ms. Donita Rose na nanay naman niya. Wala raw siyang problema kay Andre na napakabait, mabango, napaka-professional, at makulit din sa set dahil comfortable na sila sa isa’t isa. Nagkabiruan na paano kung ligawan na siya talaga ngayon ni Andre, after ng almost two years na lagi silang magkasama sa dating soap.

“Dapat pa bang dumaan sa ligawan, di ba pwedemg stage one na agad,” biro ni Barbie. “Work pa rin po kami ni Andre, at thankful sa GMA dahil may bago agad kaming project. Hindi po totoong favorite ako ng GMA kaya may bago agad akong project, siguro po may trust lamang sila sa akin dahil kapag nag-work ako, ibinibigay ko po ang 500% ko sa anumang role na ibigay nila sa akin.  Sana po ay magustuhan din ng mga manonood ang bago naming soap.”

Joross gaganap na transgender!

Back to work agad si Joross Gamboa pagkabalik niya sa almost three months vacation nila ng wife niyang si Katz and son Jace Skyles sa Canada.  Nag-taping siya agad ng ilang episodes for Celebrity Playtime with Billy Crawford

Na-miss din daw niya ang acting kaya hindi niya tinanggihan ang offer ng isang mapanghamong role sa special episode ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN. 

Gagampanan ni Joross ang role ng isang transgender at magiging karibal niya si Ro­xan­ne Barcelo kay Polo Ravales. Alamin kung paano lalabanan ng isang transgender ang isang sexy lady na tulad ni Roxanne.

 

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DIREK JOYCE

JUDY ANN SANTOS

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with