Kris durog ‘pag nakakasalamuha ang maraming ‘Tinay’
Aminado si Kris Bernal na hindi biro ang role niya bilang Tinay sa Little Nanay sng Kapuso network bilang dalagang may Intellectual Disability.
Pero pansin naman na talagang pinaghirapan niyang buuin ang pag-arte sa tulong ni Direk Ricky Davao.
Akala ni Kris nung una ay mawawala sa kanya ang project dahil hindi niya makuha ang tamang arte na hinihingi ng role.
Ngayon ay minamani na lang nito ang pagiging Tinay na kahit daw off cam ay nadadala pa rin niya ang boses sa pakikipag-usap sa ibang tao.
Naiintindihan ni Kris na kapag sinasabi ng iba na overacting siya sa pagiging Tinay. Pero alam daw niya ang kanyang inaarte dahil katakut-takot ang pag-oobserve ang ginawa niya sa maraming kaso ng taong may ganitong kundisyon.
Mas humanga rin si Kris sa mga pamilya ng mga batang may ganitong kaso.
Nadudurog ang kanyang puso kung gaano kalambing ang mga pasyenteng nakakasalamuha ng aktres. Dapat daw ay talagang extra love at effort ang pakikitungo sa mga may ganito at kailangan din ay tratuhin ng maayos sa pagbibigay ng malawak na pang-unawa.
Sa bawat puntahan ni Kris ay Tinay na rin ang tawag sa kanya ng mga tao kaya thankful ang aktres sa GMA Network na pinayagan siyang gawin ang ganitong klase ng role para maging boses ng mga taong may ganitong sitwasyon.
Kaya ang susunod na goal ni Kris ay magkaroon ng charity na tutulong sa mga may intellectual disability at magiging abokasiya na niya ang pagpapalaganap ng kaalaman tungkol dito bilang pasasalamat ni Tinay.
- Latest