Kuya Germs tapos na ang misyon
Eternal rest grant unto you, Master showman German “Kuya Germs” Moreno.
Ang bilis ng panahon, last year ‘yung grabeng atake ni Kuya Germs, at last Christmas, halos lahat ng Christmas party ng mga nag-invite sa kanya ay dinaluhan niya.
Namudmod pa siya ng datung bilang Christmas gift, nagpa-raffle, at masayang-masaya si Kuya Germs sa ginagawa niya.
Hindi mo mararamdaman na may sakit siya dahil sa masigla siyang kumilos, at all smile kumbaga.
Mararamdaman mo lang na may pagkautal siya kung magsalita, pero ok pa rin.
Kung si Federico, ang unico hijo niya ang nasunod, hanggang ngayon ay nasa America pa si Kuya Germs, doon siya nagpapagaling at nagpapalakas.
Ang katwiran ni Freddie ay magkakaroon ng todong recovery ang papa niya dahil no visitors, no long talking, no showbiz events to attend, no Walang Tulugan na magiging abala siya, no radio programs at iba pa.
Pero sa ganoong kalagayan ni Kuya Germs, baka noon pa, namaalam siyang mabilis dahil sa lungkot.
Alden hindi na umuuwi ng bahay
Miss na miss na ng mga friends and neighbors at ng mamamayan ng Golden City, Sta. Rosa, Laguna ang Faulkerson Family, of course, especially si Alden Richard.
Milyunaryo na si Alden at akalain mo, dyan sa isang lugar sa Toronto, Canada, paboritong panoorin ang Eat Bulaga dahil sa kalyeserye lalo na sina Alden at Maine Mendoza.
MRT malala na talaga, nagbebenta ng tickets kahit hindi umaandar
Ang lala na ng MRT. Sobrang traffic sa Cubao, Q.C. last Friday dahil sa MRT na laging sira. May pila ng mga taong bumibili ng ticket samantalang hindi naman pala umaandar ang kanilang mga train. Ni hindi nagsabi ang mga personnel na wala palang operation para hindi na bumili ng ticket ang mga tao.
Salamat sa mga MMDA traffic enforcer, ‘yung may green sash sa dibdib dahil inaalalayan nila ang mga MRT passenger sa Magallanes station. Pati mga elevator kasi ay hindi magamit.
Salamat officer Toledo at mga kapulisan, saludo po ako sa inyo. Nagpatighaw kayo sa mga passengers ng MRT.
Mga karapat-dapat sana ang magwagi sa eleksiyon
Taong 2016 na. Sino kaya ang papalarin at bibigyan ng blessing ng Panginoong Diyos na maging pangulo ng bansang Pilipinas?
Ipagdasal natin na sana ‘yung mga mananalo ay iyong mga karapat-dapat - matapat sa tungkulin, maka-Diyos at maka-masa.
Sana ay unahin nila ang edukasyon ng mga kabataang mahihirap na gustong makapag-aral. Mabawasan na sana ang mga pulubi na nagkakalkal ng basura dahil naghahanap ng panglaman sa sikmura.
Sana mabawasan ang masasamang tao, mamamatay-tao, tulisan, manlalansi, mga kidnapper, at iba pa. Sino kaya sa mga bagong mamumuno ng bansang Pilipinas ang makakagawa nito? Tara ayusin na natin ito, beh!
Sino sa Binay tandem, Poe tandem, Roxas team, Duterte team, at iba pa? Basta taong may mabait na puso at malapit sa Diyos. Nami-miss ko tuloy sina Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada. Pray ko ngayong 2016 ay makalaya na sila.
- Latest