^

Pang Movies

Lungkot na lungkot din na ‘di kumita ang MMFF movie Mayor HB umamin, masyado na raw malalim ang ‘relasyon’ kay Kris!

Jun Nardo - Pang-masa

Bumawi si Mayor Herbert Bautista sa hindi pagka­kadalo sa presscon ng Viva Films-Heaven’s Best Entertainment co-production movie na Lu­mayo Ka Nga Sa Akin kaya naman isinabay na niya ang pagbibigay ng impormasyon sa pelikula nang magbigay siya ng birthday treat sa movie press na may birthday mula Enero hanggang Marso.

Sa episode na Shake, Shaker, Sha­kest, papapel na mag-asawa sina Maricel Soriano at Herbert.

“Spoof ito ng horror movies. Una, magaling si Direk Andoy (Ranay). In a short period of time, nata­pos namin ang movie. Si Maricel was very supportive of the new cast members. Talagang tinuturaan niya ng akting. Motivation, kung ano ang dapat na reaksyon.” pahayag ni Mayor Herbert.

Eh, natuwa ba siya’t hindi siya naisama sa movie ni Kris Aquino na hindi pinalad mapabilang sa Top 4 na kumikitang entries?

“Hindi. Actually, nalungkot ako. Nalungkot ako hindi ako nakasama sa pelikula. I feel bad initially but I understand.

“Kasi ako rin mismo ang sumulat sa producers na huwag na nila akong isama. On record ‘yan. Kasi hindi ko alam ang tatakbuhin ko at that time kung senator or mayor eh. So dahil hindi ako makapag-decide, para makapag-shooting na sila, huwag na nila akong i-consider sa movie.

“I just formalized my intent na huwag na akong isama para hindi sila mabitin. That’s why I also felt bad na hindi ako kasama but at the same time, initiative ko na hindi masama because hindi ko alam kung ano ang magiging effect. Baka hindi sila maka-start kung tumakbo akong senador.

“Yes, ako ang nag-back out. Hindi ako tinanggal! I wrote a letter, officially and formally to decline! Baka gahulin sila ng oras,” paliwanag pa ni Bistek.

Baka naman may away pa sila ni Kris that time?

“Wala namang rift eh. Hindi kami nag-away ni Kris kaya ako nag-back out. Walang away at all! Talagang I really had to…I had to consider ‘yung timetable ng pelikula,” katwiran pa niya.

Pero nandoon pa rin daw ang friendship nila ni Kris dahil wala naman silang relasyon.

“Masyadong malalim ‘yung relationship! Ha! Ha! Ha!” diin ni Mayor Herbert.

Sen. Bongbong kinarir ang pagiging ‘kapatid’ kay Sen. Grace

Tinatawanan na lang ni Senador Bongbong Marcos ‘yung isyu noon na magkapatid sila ni Senator Grace Poe. Nang una silang magkita sa Senado, ‘yung tsismis sa kanila ang una nilang nabanggit.

“Karirin na natin na magkapatid tayo! Ha! Ha! Ha! Yes, Kuya nga ang tawag niya sa akin. Pero ngayon, bihira na kaming magtawagan ng ganoon!” sambit ni Sen. Bongbong sa lunch niya with the entertainment media.

Present din sa lunch na ‘yon ang asawa niyang si Liza Araneta at panganay nilang guwapito na si Sandro, at Tacloban mayoralty candidate na si Cristina Gonzales-Romualdez. Eh nang tanungin si Liza kung ano ang most endearing qua­lity ng asawa, tugon niya, “What you see is what you get. How be someone na so intelligent ay napakabait?”

Ayon naman kay Sandro nang tanungin tungkol sa ama’t ina, bulong na biro ni Sen. Marcos bago sumagot ang anak, “Gandahan mo! Gandahan mo!”

“My dad, I admire his intelligence! But he’s so funny. Nakita ninyo ‘yung Star Wars commercial na ginawa niya? He’s a secret nerd! He love sci-fi. Star Strek and Star Wars.”

Pero pagdating sa presidente, hindi ipinagkaila ni Sen. Bongbong na si Senator Miriam ang bet niya. Naging magkaibigan sila dahil magkatabi sila ng upu­an sa senado at lagi siyang pinatatawa.

Anyway, isa sa plataporma niya bilang VP ay ang pagkakaisa at nangako siyang bibigyan din niya ng halaga ang movies and art na minahal din ng inang si Madame Imelda Marcos.

ACIRC

AKO

ANG

BEST ENTERTAINMENT

BONGBONG

CRISTINA GONZALES-ROMUALDEZ

HINDI

MAYOR HERBERT

NIYA

PERO

SILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with