Pagkatapos kalasan ng magaling na actor young actress laging galit sa mundo sa tuwing a-attend ng presscon
Just asking: Bakit daw tuwing uma-attend ng presscon ang magaling pa man na young actress na ito, wari mo’y lagi siyang “galit sa mundo?”
Kung sabagay, kabi-break pa lamang nila ng kanyang boyfriend na isang magaling na aktor din at maraming kamag-anak na nasa showbiz din.
Clue: May equally magaling ding aktres na kapatid siya. Magkaiba nga lamang ang Network na kanilang kinabibilangan.
Bagong singing contest ng TV5, milyun-milyon ang ipamimigay
Viva Entertainment’s big boss, Vic del Rosario, currently, too, the entertainment strategist of TV5, said, he purposely chose to have as panel of judges for his first production for the Network, Born To Be A Star, musical talents of different genres, para talaga raw masulit ang paghahanap nila ng next super singer in the mold nina Sharon Cuneta, Regine Velasquez at Sarah Geronimo.
As Boss Vic further explained, Rico Blanco is a rock singer, Andrew E., a rapper, and Pops Fernandez, a pop singer and concert artist.
He is limiting the ages of the contestants from 13 to 18. “Kasi, ibi-build up talaga ang champ.
“Kaya nga, if you notice, we don’t intend the program to last for a few months only, but for, at least, one year.
“Kaya rin grand ang prize, which will amount all in all to 3-M. One million of these prizes will be in cash,” patuloy pa ni Boss Vic.
To be hosted by top and talented singer-composer, Ogie Alcasid, with Viva talents Mark Bautista and Yassi Pressman as his co-hosts, Born To Be A Star will start airing February 6.
Toots Ople nakakabilib ang malasakit sa OFW
Nakaka-impress ang matinding pagpapahalaga ni Senatorial candidate Susan “Toots” Ople, yes, sa ating mga Overseas Filipino Workers (OFW).
No wonder that her name is not only familiar but a byword among Filipinos working overseas.
Ang concern ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa ang puwedeng ituring ni Miss Toots na kanyang pinaka-great advocacy. Lalo’t sa mga nagtatrabaho raw sa Saudi Arabia, Kuwait, Canada, and Australia.
Alam daw ba natin, Salve A., na last year, ay close to 1.7 million Filipinos left to work abroad?
Head of the Blas F. Ople Policy Center for years now, she has added to the non-profit organization her so-called Training Institute, where OFWs who have saved and no longer want to leave are assisted kung ano ang puwede nilang gawin sa perang kanilang naipon.
Sa kanilang mga kapamilya namang naiwanan, they encourage them to develop skills which can help expand their family income.
Dalangin daw ni Miss Toots ang makalikha ng maraming trabaho sa Pilipinas ang ating gobyerno, para ang ating mga kapwa Pilipino ay ‘di na kailangang mag-abroad, para lang makapaghanap-buhay.
Miss Toots is the youngest daughter of former Senator and later Secretary of Labor, Blas Ople.
Sarah nami-miss na sa PSY
Surely, nami-miss na sa cast ng series na Pangako Sa ‘Yo ang character na ginagampanan ng baguhang si Sarah Carlos.
She passed an audition for the character na “makakaagaw” ng atensyon ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo, as Angelo and Ynah, in the series, respectively.
A Dela Salle College student, Sarah was a radio jockey for Monster Radio RX 93.1
She’s now a certified MYX VJ, tulad nina Robi Domingo at Tippy dos Santos. And, of course, teenage stars Sharlene San Pedro at Jairus Aquino.
- Latest