^

Pang Movies

Di man lang nagpakipot Pia bumigay agad sa Hollywood actor!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Imposible na hindi kinilig si Miss Universe Pia Wurtzbach sa paghanga sa kanya ng Hollywood actor na si James Franco.

Mismong si James ang nag-post sa kanyang Instagram account ng litrato ni Pia na may caption na mahal niya ang Pilipinas at mahal niya ang Miss Universe.

Sinagot naman ni Pia ng “I love you more” ang Ins­tagram post ni James.

Malapit sa puso ni James ang mga Pilipino dahil may mga kaibigan siya na Pinoy.  Nandiyan si Cesar Montano na nakasama niya sa pelikulang The Great Raid.

May communication pa rin sina James at Cesar sa pamamagitan ng email. Nagkatrabaho ang dalawa sa The Great Raid noong papasikat pa lang na artista si James.

AiAi at Regine never nang mahaharbatan si Kuya Germs

Marami ang napaiyak sa episode kahapon ng CelebriTV na tribute namin kay Kuya Germs na nag-babu sa mundo noong Biyernes.

Nakatanggap kami ng mga feedback na napaluha sila sa mga kuwento ng mga artista na natulungan ni Kuya Germs.

Tumulo rin daw ang kanilang luha nang kantahin ni Maricris Garcia ang Smile habang iyak nang iyak sina Glydel Mercado, Shalala at Tina Paner.

Totoo ang mga kuwento ng tatlo na mahilig mamigay ng datung si Kuya Germs noong nabubuhay pa ito.

Naranasan ko na maharbatan si Kuya Germs at never na nabigo ako sa paghingi sa kanya ng datung.

Pati sina AiAi delas Alas at Regine Velas­quez, hinihingan ng datung si Kuya Germs na tuwang-tuwa dahil alam niya na naglalambing lamang ang dalawa pero give pa rin siya ng pera.

Si Kuya Germs din ang nagpauso ng mga Christmas party tuwing December 1 na ginaya ng ibang mga showbiz personality at pulitiko.

‘Di marurunong gumalang Susan at Gloria, dinadaan-daanan lang ng young stars

Nakiramay agad sa naulilang pamilya ni Kuya Germs ang mga nirerespeto na ve­teran stars tulad nina Susan Roces at Gloria Romero.

May napansin ang isang observer sa lamay para kay Kuya Germs, dinadaan-daanan lamang ng mga youngstar ang mga veteran star as in hindi sila nagbibigay-pugay o bumabati ng good evening.

Kung nabubuhay si Kuya Germs, siguradong nasermunan niya ang mga bagets na hindi marunong magpakita ng respeto sa mga nakatatanda. Kahit hindi sila personal na kilala nina Manang Inday at Mama Gloria, dapat na matuto sila na gumalang.

Hindi nila puwedeng sabihin na nahihiya sila dahil itinuturo sa mga paaralan ang paggalang sa mga nakatatanda.

Ang sey ng observer, mga youngstar na napapanood sa Walang Tulugan at wala pang mga napapatunayan ang napansin niya na nangdedma sa mga iginagalang na aktres sa local showbiz.

Alden dapat kabahan Jake at Maine may spark sa fans

Kinilig ang fans sa cameo appearance kahapon ni Jake Ejercito sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

The who si Jake? Siya ang anak nina Papa Joseph Estrada at Laarni Enriquez na parang greatest love ni Andi Eigenmann.

Star material si Jake na hindi nakapagtataka dahil parehong mga artista ang mga magulang niya.

Tisoy na tisoy si Jake kaya nababahala ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil baka ma-in love sa kanya si Yaya Dub.  Kagaya ni Alden si Jake na tisoy at talagang puwedeng itapat sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANDI EIGENMANN

ANG

CESAR MONTANO

EAT BULAGA

GERMS

GREAT RAID

KUYA

KUYA GERMS

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with