^

Pang Movies

Babawi sa pang-aagaw ni Miss Colombia Pia magvi- ‘victory walk’ sa Araneta!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kinumpirma na nga ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach ang kanyang pag-uwi sa ating bansa.

Dalawang linggo na ngang nasa U.S. si Pia pagkatapos siyang makoronahan bilang Miss Universe sa Las Vegas noong nakaraang December 19.

Naiyak nga raw siya noong malaman niyang makakauwi na siya sa January 23.

 “Ahhhhhh… Huhu… Ngayon ko lang nalaman.

 “Excited na ako dahil diyan. Naiiyak ako. Para akong nanalo uli,” sey pa ng ikatlong Pinay Miss Universe.

Manggagaling si Pia mula sa New York kung saan titira siya for one year sa isang sosyal na New York apartment.

Pagkarating nga raw niya sa Pilipinas, isang press conference ang magaganap agad.

Ipaparada naman si Pia on January 25 na magsisimula sa Araneta Center in Cubao, Quezon City at magtatapos sa Makati City.

Sa January 26 naman ang naka-schedule niyang charity work na masusundan ng kanyang courtesy call sa Malacañang Palace, sa Se­nate at sa House of Representatives on January 27.

Isang malaking homecoming party naman ang inihanda ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. para kay Pia on January 28 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa naturang event ay bibigyan si Pia ng opportunity na gawin ang kanyang “victory walk” na hindi niya nagawa dahil sa pagkakamali ni Steve Harvey na i-announce si Miss Colombia bilang winner.

 “Aaaayyy iba! Ito nararamdaman ko na talaga. Ngayon pa lang naiisip ko nagiging emosyonal na ‘ko. Ang saya! Super excited na ‘ko. Gusto ko may hawak akong flag,” sey pa ni Pia na excited nang umuwi.

Kasama sa itinerary ni Pia ang pag-attend sa wedding nila Vic Sotto at Pauleen Luna on January 30. Isa kasi siya sa bridesmaids ni Pauleen.

Hindi na nga rin daw inaasahan ni Pauleen na makakauwi si Pia dahil nanalo nga itong Miss Universe. Pero nagawan daw ito ng paraan ng Diyos para makarating siya.

 “Tingnan mo, ang ganda ng ending, ‘di ba?

 “Inisip ko, hindi siguro ako makakapunta. Parang everything is coming into plan.

 “Nanalo na ako ng crown at makakapunta pa ako sa kasal niya. Grabe!” pagtatapos pa ni Miss Universe 2015.

Ka-level na si Sarah at Kim…Maine Disney princess na rin!

Isa na ring Disney Princess si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub!

Siya ang napili ng Disney Channel Asia para maging si Elsa ng hit Disney animation na Frozen.

Sa official Facebook account ng Disney Channel Asia, na-upload ang behind-the-scenes video ni Maine habang nasa photo and video shoot siya for Disney.

Ayon pa sa Disney Channel Asia: “YEAR 2016 is off to a great start with the very first Disney collaboration with Maine Mendoza.

 “Her Disney side is looking worthy of a snow queen! Who wouldn’t want to build a snowman with her?”

Kabilang nga rin si Maine sa 2016 Disney calendar na magiging available sa mga Asian countries.

 “The shoot was so much fun because it’s my first time to do this and it’s very new to me.

 “I love it. I love Elsa,” masayang pahayag pa ni Maine.

Si Maine ang ikatlong Pinay celebrity na kinuha ng Disney Channel Asia para maging isa sa Disney Princesses.

Last year ay si Sarah Geronimo ang kinuhang Rapunzel from the animation film Tangled at si Kim Chiu naman ang kinuhang Mulan.

Star Wars malapit nang

matalbugan ang kinita ng Avatar

Mukhang matatalo na ng Star Wars: The Force Awakens ang pelikulang Avatar bilang top-grossing movie in North America.

Ayon pa sa Disney, nag-gross na ang bagong Star Wars movie ng higit sa $758.2 million.

Ang global earnings na ng Star Wars ay umabot na sa $1.56 billion.

Ang pelikilang Avatar ay may global earning na $2.79 billion at ang Titanic naman ay $2.19 billion. Parehong pelikula ito ni James Cameron.

Ang ikatlo naman na Jurassic World ay may kitang $1.67 billion worldwide.

ACIRC

ALIGN

ANG

DISNEY

DISNEY CHANNEL ASIA

LEFT

MISS UNIVERSE

NBSP

PIA

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with