Akting ni Iza hindi umubra sa nguso ni Maine
Taga-suporta ako ng AlDub Nation, pero hindi ko rin mawari kung paanong naging Best Supporting Actress si Maine Mendoza sa role niya sa My Bebe Love sa katatapos na Metro Manila Film Festival.
Samantalang puro nguso lang naman ang pinaggagawa niya sa movie.
Mas mahirap pa ‘yung ginawang pagmamaldita ni Iza Calzado bilang impakta at magaling din ang pagtili at pag-arte ni Janella Salvador sa Haunted Mansion bilang isang baguhan.
Baka naman ang nakahahawang kiligan na hatid nina Yaya Dub at Alden Richards ang dahilan ng pagkapanalo nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin maubos ang kilig factor ng dalawa kahit sa TV screen na halatang malaki ang tama ni Yaya Dub sa ka-love team. Ni hindi niya kayang tingnan ng diretso ang Pambansang Bae habang nagbibigay ito ng birthday wish last Saturday sa Eat Bulaga.
Nilalanggam din naman sa ka-sweetan sa galing ng pag-arte nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria sa All You Need is Pag-ibig, pero bakit hindi napansin ang kanilang acting?
John Lloyd lumalim ang pagmamahal sa akting
Talaga palang memoriable ang pelikula ni John Lloyd Cruz na Honor Thy Father dahil lumabas siya sa kanyang comfort zone - sa pagiging matinee idol. Sa paglusot pa lang ni Lloydie sa maliit at makitid na lugar ng minahan ay pisikalan na ang labanan.
At hindi rin matatawaran ang kanyang pag-arte mula sa pagkalbo nito ng kanyang buhok sa harap ng anak nito sa movie.
Kahit blangko ang mukha ni John Lloyd sa eksena na hinayaan niyang ipakita ang pangit niyang hitsura, ang husay pa rin ng kanyang akting.
Kaya pala sabi ni John Lloyd sa isang interview na hinding-hindi nito makakalimutan ang role niya bilang Edgar o Egay at handa na siya sa kahit ano pang role ang ibigay sa kanya at kahit sino pang makatrabaho dahil mas lumalim ang passion niya pagdating sa acting dahil sa pelikulang ito.
- Latest