Maine bumuhos ang swerte
MANILA, Philippines – Napakaswerte naman ng Bulakenyang si Maine Mendoza, unang pelikula palang, ang My Bebe Love, ay nanalo na agad itong Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival.
Sabi nga ng kasabihan, when it rain, it pours. Hindi kasi biro ang perang hinakot sa takilya ng kanilang tambalan ni Alden Richards.
Halikan nina Vic at AiAi, tinututulan?!
May mga nakakapansin lang, tuwing naghahalikan sina Vic Sotto at AiAi delas Alas, parang tumututol ang manonood.
Gusto nila ang dalawang bida na lang ang gumawa nito sa eksena. Isa pang napuna, lumang tema na istorya ng My Bebe Love.
Kung sabagay luma nga itong tema dahil sa tatlong lola tumatakbo ang istorya nila.
So what, anumang sabihin ng mga konserbatibo, still milyones na pera ang nahakot nila sa showbiz.
Kung kaya naman sa isang kwentuhan noong parade ng MMFF, narinig naming isang grupo ng press people, kung umuulan nga ng biyaya, bakit hindi yata sila nagparamdam man lang noong bigyan ng GMA Christmas party ang mga press na tumutulong sa kanila. Pulos na lang daw suwerte nila pinag-uusapan, bakit wala silang pagpaparamdam man lang?
MMFF mukhang may pinapanigan
Nakakadismaya ang ginawang pag-disqualify sa pelikulang Honor Thy Father. Kung alin pa yung matinong movie ni John Lloyd Cruz, siya pang naitsapwera.
Totoo kayang may discrimination na nagaganap among other producers lalo’t indie film?
Mga theater owners ba ang nasusunod tuwing may MMFF? Na gumawa ng movie na kahit anong klase basta kikita sa takilya?
Hindi ba film festival ito, isang competition na kung alin ang pinakamaganda ang istorya, ay ‘yun dapat ang manalo.
Kawawa naman ‘yung mga producers na gumagawa ng matinong movie pero sila itong unang tinitigbak sa mga sinehan.
Maaga pa ngunit nakaabang na ‘yung mga tagamasid sa sinehan na bumibilang yata ng taong pumapasok sa sinehan.
Kahit bigatin pa ang bida, kapag mahina, tsugi agad sila.
- Latest