Maine nalula sa kapal ng tao sa Parade of Stars
Tinupad ni Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na magbabakasyon silang buong pamilya sa Japan ngayong Pasko.
Sa kanyang Instagram account ay pinakita ni Yaya Dub na nakarating na siya sa Japan para makapagbakasyon at maka-bonding ang kanyang pamilya.
Tapos na kasi ang mga commitments ni Yaya Dub sa promotion ng unang pelikula niya na My Bebe Love kunsaan kasama niya si Alden Richards at sina Vic Sotto at AiAi delas Alas.
Nag-enjoy si Yaya Dub sa unang festival parade niya at nagulat siya sa sobrang dami ng taong sumalubong sa float ng My Bebe Love sa Roxas Boulevard hanggang sa Quirino Grandstand.
“Ganito pala ang feeling kapag nasa parade ka ng MMFF. Parang nakakalula—hindi mo ma-explain ang excitement kasi gusto mong kamayan lahat ng mga tao!” sey pa ni Yaya Dub.
Solid nga ang AlDub Nation sa pagpunta sa parade para suportahan sila Alden at Yaya Dub.
Anyway, kung bakasyon si Yaya Dub sa Japan, nakabakasyon na rin si Alden.
Sa kanyang Twitter account, tweet ni Alden ang kasayahan na officially ay bakasyon na siya.
Deserve naman nila Alden at Yaya Dub na magbakasyon dahil sa sobrang sipag nila sa kanilang kalyeserye, sa pag-shoot ng TV commercials, photo shoots, live appearances, shooting, taping at promo.
Kaya enjoyin naman ng dalawa ang kanilang pinaghirapan sa pagsikat nila!
Chef Boy masayang-malungkot sa kasal ng anak
Masaya na may halong lungkot si Chef Boy Logro ngayong Pasko dahil kinasal na nga ang kanyang anak na si Matet.
Prinsesa nga ang tawag ni Chef Boy kay Matet at ito ang tumatayong instructor ng Chef Logro’s Institute of Culinary & Kitchen Services Inc. (CLICKS).
Matagal na raw pinaghandaan ni Chef Boy ang i-let go ang kanyang anak na babae para makasal na ito sa kanyang boyfriend.
Pero sa loob-loob daw ni chef ay mahirap daw gawin pero kailangan.
“Mahal ko ang aking princess at inalagaan namin ‘yan.
“Alam ko na maaalagaan siya ng mister niya ng si Macky na son-in-law ko na ngayon.
“Ang gusto ko ay maging masaya sila parati at maging maayos ang buhay nila bilang mag-asawa,” pagtatapos pa ni Chef Boy.
Former Miss USA sumawsaw na rin sa isyu nina Pia at Miss Colombia
Nagsalita na si former Miss USA Shanna Moakler na hindi raw tama na tinatawag ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez na siya ang Miss Universe.
“I don’t think that’s really appropriate. I can’t even begin to imagine the array of emotions she has, but there is only one winner in pageants.
“I was first runner-up, and there is something to be said about losing gracefully. She did have a disheartening experience.”
Sa naging pagkakamali ni Steve Harvey sa pagtawag ng winner, heto ang masasabi ni Moakler.
“It has happened in pageantry on the state level. It is shocking to see it occur on the Miss Universe stage.
“Human error happens, it is sad that one girl is on an emotional rollercoaster, and the other was sort of robbed of her crowning moment.
“Colombia, Philippines, Venezuela, Dominican Republic, Mexico, these are all powerhouse countries in pageants, and have very aggressive fans, this is like soccer to many in these countries.”
Hindi agree si Moakler sa suggestion ni Donald Trump na magkaroon ng shared crown. Unfair naman daw iyon sa winner na si Miss Philippines Pia Wurtzbach.
“There should not be co-winners.
“There was a tabulation by a proper firm, and judges ballots cast, and even though the host messed up, that is not the winner’s fault.”
- Latest