^

Pang Movies

Megan nagparamdam na rin kay Pia

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masayang-masaya si Miss World 2013 at bida ng MariMar na si Megan Young sa pagkapanalo ni Pia Wurtzbach bilang ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

Pareho ang nag-mentor kina Megan at Pia, si Jonas Gaffud ng Mercator at Aces & Queens.

Kaya naman winners silang pareho.

Katulad nga raw ni Megan si Pia na hindi tumigil sa kanyang pangarap na makamit ito kahit na may mga taong nagsasabing tumigil na siya.

Kaya hayun, napanalunan niya ang kauna-unahang Miss World crown para sa Pilipinas.

Pero dahil sa tinatawag na grit and determination na meron si Pia, nasungkit nito ang matagal nang pinakahihintay na korona na muling mapanalunan ng Pilipinas.

Heto ang pinost ni Megan sa kanyang Instagram:

 “You deserve this sooooo much @piawurtzbach  Alam namin kung paano mo ito pinaghirapan  finally, your dream came true! Love you so much, sister! I know you’ll have a great year!!!!! #ForThePhilippines#AcesAndQueens

Alden nagpaka-makata, Maine binasahan ng tula

Nagpaka-traditional naman ang bida ng My Bebe Love na si Alden Richards para sa kanyang bebe na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Bukod sa mga pick-up lines at punchlines, nagpakita naman ng serious side si Alden sa pagbasa ng mga tula nang mag-guest ito sa radio program ni Atty. Romulo Macalintal.

Isa sa mga tulang binasa niya ay sinulat ni James Metacalfe na may titulong  Why I Love You.

Heto ang mga linya: “I love you for the words you say, and all the things you do, and for the happiness I have each time I think of you. I love you for the pleasure, of your friendship from the start, and for the way you offered me a corner of your heart.”

Dedicated naman din ito kay Yaya Dub na ang title ay This Christmas Morning ni James Metacalfe.

Sey ni Alden: “Yaya, Dub, God bless you on this Christmas day. And every gift you give, and bless you every hour, each moment that you live.”

Kapuso stars, may-I-share ng mga putahe sa Pasko

Para sa ating mga Pinoy, hindi kumpleto ang anumang okasyon kapag walang salu-salo.

Ito nga ang tunay na diwa ng Pasko, ‘yung masaganang kainan dahil senyales ito ng blessings sa darating pang mga taon.

Nag-share nga ang ilang Kapuso young stars ng mga putaheng laging nasa lamesa nila kapag sumasapit ang Noche Buena.

Sabi ni Andre Paras:

“We like to have beef salpicao. That’s what I remember—cheese and beef salpicao. Specialty galing pa sa lola ko ‘yun (beef salpicao) so it’s really nice. When someone orders food or someone mentions the word cheese, automatically Noche Buena ‘yun sa utak ko.”

Ang say naman ni Ken Chan, “Mahilig ako magluto talaga. Ako kasi sa pamilya namin ‘yung nag-se-set ng gathering. Ako ‘yung nagpa-plan. Ako ‘yung nag-i-invite. Most of the time ang niluluto ko is more on American and Chinese food because my dad is Chinese. Mahilig siya sa Chinese food tulad ng hot shrimp salad.”

“Hamon! Sa amin kasi, paiba iba eh. Natatandaan ko last, last Christmas parang nag-pizza party kami. Tapos last Christmas, gumawa si mama ng steak. Wala talagang pattern pero hindi talaga mawawala ‘yung hamon, ‘yung mga cheese na ganyan.” Pagbabahagi naman ni Miguel Tanfelix.

At kwento naman ni Joyce Ching,

“Bagisin! ‘Yung bagisin specialty talaga ng lola ko so all time favorite. Kahit anong occasion present siya talaga. ‘Tsaka lechon kawali.”

ACIRC

ALIGN

ANG

JAMES METACALFE

LEFT

MEGAN

MGA

MISS WORLD

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with