^

Pang Movies

Kahit walang kasalanan Pia ‘May I Sorry’ pa kay Miss Colombia dahil sa ‘naagaw’ na korona

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Patalbugan ang ABS-CBN at GMA 7 sa headline nila kagabi tungkol sa tagumpay ni Pia Wurtzbach sa Miss Universe 2015 as in pahabaan sila ng mga balita.

Napagmasdan ko nang husto sa replay ng announcement ng winners na lumung-lumo ang host na si Steve Harvey nang aminin nito ang kapalpakan niya.

Nakakaawa naman pala talaga ang itsura ni Miss Colombia na talagang nalagay sa matinding kahihiyan. Pati ang kababayan ni Miss Colombia na si Paulina Vega, halatang-halata ang pagkadismaya.

Be magnanimous ang victory, ang peg ni Pia na nag-sorry sa mga kalahi ni Miss Colombia, kahit wala siyang kasalanan sa nangyari.

Tama ang ginawa ni Pia na biktima rin dahil nawala ang moment ng kanyang tagumpay.

Kawawa nga si Pia dahil damay siya sa mga pagbatikos kay Harvey pero wala nang magagawa ang detractors niya dahil kanyang-kanya na ang Miss Universe crown. Better luck na lang sa mga next Miss Universe candidate ng Colombia.

Pagiging repeater ni Pia nagbunga

Waiting na ang mga Pinoy sa pagbabalik-Pilipinas ni Pia na excited nang umuwi.

Tiyak na malaking event ang pag-uwi ni Pia sa bansa natin dahil 42 years ago na ang nakararaan mula nang mapanalunan ni Margie Moran ang Miss Universe crown and title.

Ilang beses nang muntik na masungkit ng Pilipinas ang mailap na Miss Universe crown mula kay Miriam Quiambao hanggang kay Janine Tugonon.

Hindi kaila sa lahat na repeater sa Bb. Pilipinas si Pia pero nagbunga ang kanyang pagtitiyaga kaya inspiring ang kuwento ng journey niya sa Miss Universe.

Pia malabo na sa kasal nina Pauleen at Vic

Happiest best friend si Pauleen Luna na tinutukan ang pagsali ni Pia sa Miss Universe.

Matagal nang magkaibigan sina Pauleen at Pia. Kasali nga si Pia sa wedding entourage nina Pauleen at Bossing pero baka may changes na mangyayari bilang international beauty queen na siya.

Hindi ko pa nakakausap si Pauleen kaya hindi ko pa knows ang mga napag-usapan nila ni Pia na isa sa mga abay sa kasal nila ni Bossing.

Mga Pia sa showbiz naalala dahil sa Miss U

Dahil winner si Pia Wurtzbach, umiral na naman ang kalokohan ng mga Pinoy na biglang na-remember ang lahat ng mga personalidad na Pia ang name, sina Pia Moran, Pia Guanio, at Pia Cayetano. Nalimutan nila na i-mention sina Pia Magalona at Pia Pilapil.

vuukle comment

ANG

JANINE TUGONON

MARGIE MORAN

MGA

MISS

MISS COLOMBIA

MISS UNIVERSE

PAULEEN

PIA

PIA WURTZBACH

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with