^

Pang Movies

Karla umamin na sa ‘panggagamit’ sa anak na si Daniel

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa panayam ni Boy Abunda kay Karla Estrada sa Tonight With Boy Abunda, natanong sa tinaguriang Queen Mother kung ano ang reaksyon niya sa mga basher na nagsasabing ginagamit niya ang mga anak (partikular na ang Teen King na si Daniel Padilla) para sumikat at magkapera.

“Hiyang-hiya naman ako,” natatawa niyang say. “Hindi ba’t mas mahirap kung gamitin mo ang ibang tao? Kung ‘yung anak ko ‘yun, wala tayong karapatang sabihing ginagamit ko. Dahil unang-una ako ang nagdala nu’n ng siyam na buwan, so kung anuman ang gusto kong gawin para sa kabutihan niya, ako lang ang may karapatan nu’n.”

“So, kung sumunud-sunod man ako sa kanya at lagi kong kasama, ina niya ‘ko, wala na tayong magagawa do’n at hindi n’yo na po mababago ‘yun.”

Ipinagmamalaki rin ni Karla kung gaano kabait na anak si DJ at nananatiling mapagmahal at magalang sa kanya.

“Hanggang ngayon, every time uuwi siya from Pangako Sa ‘Yo like everyday he works, right? So kahit anong oras ‘yan, 3 a.m. man siya makarating sa bahay, papasok ‘yan sa kwarto ko.

“Papasok siya sa kwarto ko at hahalikan ako na, ‘Ma, good night, andito na ako.’ So minsan ‘di ko na kayang sumagot pa, pero ramdam ko na lagi niya akong hinahalikan. Hanggang ngayon ‘yan, at kahit si Carmela at si Maggie iikutin niya ‘yung dalawa niyang kapatid,” kwento ni Karla.

Natanong din si Karla kung may balak na ba siyang lumagay sa tahimik with her boyfriend of 5 years na si Mark Yatco.

“Of course, we talk about it, kasi we’re (in our) 40’s, I mean, hindi naman na kami mga bata, ano? Pero ganu’n pala ‘yun, mas pinaplano, mas hindi nagmamadali, kasi mas alam n’yo na at mas nag-iisip na kayo.

“So, ako naman, parang ang hirap na ulit na masawi at iibig ka na namang muli,” say ng Queen Mother.

Sa Fast Talk segment naman ay natanong sa kanya kung ano ang ireregalo niya kay Kathryn Bernardo na ka-loveteam at rumored girlfriend ni Daniel, aniya ay bracelet.

FPJ hindi pa rin burado

Mahal pa rin talaga ng mga Pilipino ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. kahit 11 taon na siyang namamayapa.

Sa kanyang death anniversary last Dec. 14, buong araw na trending sa Twitter ang hashtag na #LongLiveFPJ na sinabayan pa ng mga netizen ng kanilang mga paboritong linya at larawan ni Da King sa kanyang mga pelikula.

Ayon sa monitoring mechanism ng Twitter, tinatayang 27,117,846 users ng nasabing social media platform ang inabot ng hashtag na #LongLiveFPJ noong Lunes sa Twitter.

Sinundan pa ito ng hashtag naman na #FPJAPCaroling ng mga manonood ng top-rating teleserye na Ang Probinsyano na hango sa 1997 movie ni Da King.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ni Sen. Grace Poe sa mga nakakaalala sa kanyang ama.

“Ako po’y nagpapasalamat sa mga patuloy na nagmamahal kay FPJ, sa kanyang buhay at ala-ala, at sa mga tumutulong sa amin ngayon,” sabi ni Grace.

Anang senadora, ang mga aral daw ng kanyang ama ang nagpapalakas ng loob niya sa pagharap sa pinagdaraanan niya ngayong problema sa politika.

“Sa ating pinagdaraanan ngayon, naalala ko ang turo ng aking ama: huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay tama. Huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay prinsipyo. Higit sa lahat, huwag kang susuko kapag ang pinaglalaban mo ay para sa kapakanan ng kapwa at hindi para sa iyong sarili lamang,” sey ni Grace.

Pastillas Girl 5-taon ang kontrata sa Viva!

Sa TV5 Christmas lunch for the entertainment press held at the Novotel Hotel ay pormal na in-introduce si Viva big boss Vic del Rosario bilang bagong Chief Strategist for Entertaintment ng Kapatid network.

Dito ay nilinaw ni Boss Vic na hindi pa rin nila pababayaan ang mga contract stars ng TV5 tulad nina Derek Ramsay, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jasmine Curtis-Smith at ang mga homegrown talents tulad nina Eula Caballero, Ritz Azul, Mark Neumann, atbp. Say niya ay kasama pa rin daw naman ang mga ito sa mga bagong ilulunsad na shows.

Sa nasabing event ay ipinakita rin ang mga bagong shows for 2016 ng Kapatid network at ilan dito ay ang Ang Panday na pagbibidahan ni Richard Gutierrez, Bakit Manipis ang Ulap nina Claudine Barretto and Diether Ocampo at Tasya Fantasya na hindi pa masabi kung sino ang bida dahil mag-i-expire pa lang daw ang kontrata sa kabilang network.

Narooon din si Angelica Yap aka Pastillas Girl at nang makapanayam ng press, aniya ay pumirma na raw siyang 5-year contract sa Viva pero wala pa raw siyang project dahil kailangan daw muna niyang sumailalim sa mga acting workshop since wala pa nga siyang experience sa pag-arte.

“I’m going to start with workshops daw po muna. Siyempre, hindi rin naman po ako um-acting-acting sa It’s Showtime,” say ni Pastillas Girl.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANG

DA KING

HINDI

KARLA

KUNG

MGA

NAMAN

NIYA

PASTILLAS GIRL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with