Anong petsa na, wala pang boses... Pelikula ni Kris sa MMFF, hindi pa rin tapos!
Ngayon ang umpisa ng simbang gabi at marami ang nagdarasal na gumanda na ang panahon para hindi sila mahirapan sa pagsisimba.
Maulan sa Metro Manila kahapon dahil kay Typhoon Nona pero lumabas pa rin ako ng bahay.
Kahit masungit ang panahon at walang pasok ang mga estudyante, matrapik pa rin sa Metro Manila.
Mabuti na lang, hindi masyadong marami ang mga presscon kahapon. Hindi katulad noong nakaraang linggo na lagare ang showbiz press dahil sa magkakasunod na presscon ng mga pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival at sa kaliwa’t kanan na Christmas party.
Pagkatapos ng mga presscon, ang mga special screening at red carpet premiere ng mga filmfest movie ang pagkakaabalahan ng mga reporter.
Nauna nang magkaroon ng premiere night ang Nilalang dahil ito ang unang natapos ang shooting at post production sa mga pelikula na ka-join sa MMFF. Tapos na tapos na rin ang My Bebe Love kaya naka-focus sa mga mall tour at television guestings ang atensyon nina AiAi delas Alas, Vic Sotto, Maine Mendoza at Alden Richards.
Hindi pa tapos ang shooting ng All You Need Is Pag-Ibig dahil hanggang kahapon, working si Bimby Yap.
Thanksgiving concert ng JaDine nasaid na ang tickets
Bukas ang thanksgiving concert nina James Reid at Nadine Lustre sa Kia Theatre, Araneta Center.
Jollibee endorsers sina James at Nadine kaya Taste Forever Love ang title ng concert na pasasalamat nila sa kanilang libu-libong fans.
Siyempre, ang Jollibee ang produ ng concert at sa pakikipagtulungan ito ng Viva Events.
Libre ang concert tickets para sa JaDine fans na bibili ng Jollibee products sa participating stores. Nagsimula noong December 10 ang promo at natapos noong December 14.
Sa rami ng mga gustong mapanood ang Taste Forever Love, naubos ang complimentary tickets at hindi na naglabas pa ang Jollibee dahil limited ang seats ng Kia Theater.
Sa mga hindi makakapanood ng free concert ng JaDine, abangan n’yo na lang ang kanilang major concert sa Smart Araneta Coliseum sa February 2016.
Pambabae raw ang sampalan Mar suntukan na ang hamon kay Duterte
I spoke too soon. Sa column ko sa PSN, nag-wonder ako dahil sampalan at hindi suntukan ang hamon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte at ni Papa Mar Roxas na parehong kumakandidatong presidente ng Pilipinas.
Binago ni Papa Mar ang statement nito kahapon. Suntukan na ang hamon niya kay Papa Rody dahil pambabae raw ang sampalan.
Aliw na aliw ang madlang-bayan sa sagutan nina Papa Mar at Papa Rody dahil masahol pa sa mga eksena sa teleserye ang kanilang napapanood.
Hindi raw nila ine-expect na papatulan ni Papa Mar si Papa Rody na mahilig mang-bluff at hindi dapat sineseryoso. Mismong si Senator Miriam Defensor-Santiago ang nagsabi na pareho sila ni Papa Rody na mahilig sa hyperbole o exaggerated words.
At least, nalihis na ang isyu kay Senator Grace Poe dahil mas type ng madlang-bayan na pag-usapan at pagpistahan ang tarayan portion nina Papa Mar at Papa Rody. Entertained na entertained umano sila sa mga palabas nina Papa Mar at Papa Rody.
Kung may kalyeserye ang Eat Bulaga, may balitaserye sina Papa Mar at Papa Rody dahil napapanood sa mga primetime at evening newscast ang kanilang bangayan na matatagalan pa dahil malayo pa ang eleksyon.
- Latest