Parang ipis na lang ang pagpatay sa tao ngayon – Vhong!
Dahil sa nangyari sa ina ni Angelica Yap aka Pastillas Girl na pinaslang kamakailan ng isang gunman, ayon kay Vhong Navarro, talagang nakakatakot na ang panahon ngayon.
“Ang hirap po talaga, ang hirap po dito. Nakakatakot po talaga dito,” he said.
Kaya nga raw, sila sa It’s Showtime ay humihingi ng hustisya para sa sinapit ng ina ni Pastillas Girl.
Matatandaang minsan nang naging biktima si Vhong noong 2014 nang dukutin siya at bugbugin.
Good thing ay sinuwerteng nabuhay siya at nakapagsampa ng kaso sa mga bumugbog sa kanya.
“Iba kasi ‘yung sa akin kasi may CCTV at nakunan ang mga mukha. Eh ito (sa ina ni Pastillas), walang mukha. So, ang hirap, eh,” say niya.
Aminado naman si Vhong na nandiyan pa rin ang takot niya kaya nga may mga bodyguards siyang laging kasama.
“Mas maganda po ang nag-iingat. Kasi alam naman natin ang panahon ngayon, di na natin alam. Ang tao ngayon, pag pinapatay, parang ipis na lang, di ba? Mahirap, eh.”
Pero siyempre, mas nagtitiwala pa rin daw siya sa Panginoon dahil Siya lang naman daw ang nakakaalam kung kailan ka kukunin.
“Ibinibigay ko na sa Kanya lahat, eh. Kung kailangan na ba akong kunin, eh wala tayong magagawa, hindi natin mapipigilan ‘yun. Basta ang pananampalataya ko, nasa Kanya.
“’Yung proteksyon na hinihingi ko, nasa Kanya rin, kasi kahit anong dami ng bodyguards mo, kahit trenta pa ‘yan, eh kung talagang kukunin ka na, wala tayong magagawa.”
When asked kung ano na ba ang update sa kaso nila ni Cedrick Lee, since may balita ngang nakikipag-ayos ang kabilang kampo, ani Vhong ay may gag order daw kasi sila kaya hindi pwedeng pag-usapan ang kaso.
“Ang sarap magsalita, ang sarap magsabi ng kung ano ang nararamdaman ko. Ang hirap lang kasi, may gag order tayo. Kung baga, eh ‘yun eh hindi pwedeng masabi kasi baka maapektuhan naman kami.
“Tuloy pa rin naman ‘yung kaso. ‘Yung makikipag-ayos, hindi po ako makikipag-ayos,” he said.
Nakapagpatawad na ba siya?
“’Yung sa ngayon kasi, ang hirap po kasing magpatawad sa tipong ikaw pa ang binabaligtad. Ngayon, paano patatawarin ang isang tao kung ikaw ang binabaligtad? Na ikaw ‘yung masama? Eh pano po ‘yun?
“Kaya mo naman silang patawarin, eh. Pero paano ko papatawarin kung ikaw ang lumalabas na masama?” say ng bida ng Buy Now, Die Later na entry sa Metro Manila Film Festival na showing na sa Dec. 25.
Sen. Grace pumiyok sa pagpalit ni Susan Roces!
Maging si Sen. Grace Poe pala ay nagulat nang mabasa niya sa isang pahayagan na papalitan daw siya ng nanay na si Ms. Susan Roces bilang kandidato sa pagka-pangulo dahil sa mga disqualification case na isinampa sa kanya ng mga katunggali sa pulitika.
“Alam ninyo po noong nakita nga namin iyan sa dyaryo pati ako nagulat. Kasi wala naman kaming pag-uusap ng nanay ko ng ganyan,” sagot ni Grace sa isang panayam tungkol umano sa balak na pagtakbo ng biyuda ni Da King Fernando Poe, Jr.
Bukod sa hindi raw naaayon sa batas na siya ay palitan ni Tita Swanie dahil siya ay independent candidate, wala daw interes sa pulitika ang Reyna ng Pelikulang Pilipino, ayon kay Grace.
“Walang interes ang aking nanay na pumasok sa pulitika. Unang-una po, masaya siya sa kanyang trabaho ngayon. At sa kanyang kalayaan bilang isang senior citizen,” sabi ni Grace na siyang nangungunang kandidato sa pagka-pangulo base sa mga survey.
Kumpiyansa si Ms. Susan na malalampasan ni Grace ang mga ginagawang panghaharang ng mga kalaban sa kandidatura ng anak.
Ipinaalala raw niya kay Grace na ang mga problema sa Comelec ay pinagdaanan din ni FPJ nang tumakbo itong pangulo noong 2004. Ang mga ganitong sakripisyo daw ay “worth it” kung hangarin niyang makatulong sa mga kababayan.
“Sabi niya worth it naman ito eh. Kasi kung saka-sakaling ikaw ay pagpalain at sabihin ng Diyos na ikaw ay karapat-dapat para dyan, ang dami mong pwedeng tulungan,” dagdag pa ni Grace habang inaalala ang sinabi ni Tita Swanie sa kaniya.
OTWOL doble ang kilig dahil kina Bailey at Ylona
Lalo pang kikilig ang bawat gabi ng mga manonood sa pagkikita nina Bailey May at Ylona Garcia sa top-rating teleserye na On the Wings of Love.
Sa pagbisita nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre) sa Ilocos, magkakakilala ang pinsan ni Clark na si Harry (Bailey May) at ang second cousin ni Leah na si Audrey (Ylona Garcia).
May umusbong kayang pag-ibig sa kanilang unang pagkikita? Ano naman kaya ang maging reaksyon ng kanilang Kuya Clark at Ate Leah? Yan ang dapat abangan sa OTWOL sa mga coming episodes.
- Latest