^

Pang Movies

Sen. Grace walang planong isuko ang laban!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sinabi sa akin kahapon ni Atty. Lorna Kapu­nan na ilalaban ni Senator Grace Poe ang disqualification ng Comelec sa presidential candidacy ng anak nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces.

Ang disqualification kay Mama Grace ang bumulaga sa lahat noong Tuesday night.

Ang sey ni Mama Lorna, mahaba ang proseso ng appeal ni Mama Grace at baka abutin ito ng eleksyon sa May 2016.

Nabanggit ni Mama Lorna na posibleng magkaroon ng civil disobedience kapag hindi natuloy ang kandidatura ni Mama Grace na nangunguna pa rin sa mga survey.

May social media group ang mga senatorial candidate ng PGP at ang nangyari kay Mama Grace ang topic nila noong Lunes.

Hindi na naglabas ng statement ang mga PGP senatoriable dahil nagkasundo sila na kung ano ang official statement ni Mama Grace, ‘yon na rin ang kanilang pahayag.

Mayor Duterte dapat daw mag-sorry sa Santo Papa – Atty. Kapunan

Naiintindihan ni Mama Lorna na nakasanayan na expression ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pagmumura pero mali ang ginawa nito na pagmumura kay Pope Francis.

Para kay Mama Lorna, dapat na humingi ng paumanhin si Papa Rudy kay Pope Francis at sa mga tao na na-offend sa pagmumura niya sa lider ng Catholic Church.

Hindi rin nagustuhan ni Mama Lorna ang mga pahayag ni Papa Rudy tungkol sa mga kababaihan pero nagpapasalamat siya sa feisty mayor ng Davao dahil sinusuportahan nito ang kanyang senatorial candidate.

Wa paki kahit ‘di makatulong si Nora sa kandidatura niya

Ikinatuwa rin ni Mama Lorna ang lantaran na pagsuporta ni Nora Aunor sa kandidatura niya.

Sa tanong kung makakatulong ba si Nora sa candidacy, “regardless” ang sagot ni Mama Lorna dahil mas mahalaga sa kanya ang suporta ng isang award-winning actress na hinahangaan din niya.

Alden ginawang proxy si Maine

Hindi nakasipot si Alden Richards sa unveiling ng kanyang star sa Walk of Fame sa Eastwood, Libis noong Martes dahil not feeling well siya.

Ilang araw nang may sakit si Alden at alam ito ng fans na sumusubaybay sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Naging proxy ni Alden sa unveiling ng kanyang bituin si Maine Mendoza at ang tatlong lola ng Eat Bulaga, sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Nakatulong ang sandaling pagpapahinga ni Alden noong Lunes dahil magaan na ang pakiramdam niya nang umapir siya kahapon sa Eat Bulaga.

Imeldifique wine, kakaiba raw

Dalawang showbiz related events ang hindi ko napuntahan noong Martes, ang Christmas Party for the Showbiz Press ng talent agency ni Perry Lansigan at ang bonggang launch ng Imeldifique Cooking Wine at Dragonfruit Fire Wine na parehong project ni Ilocos Norte Imee Marcos.

Ginanap ang launch ng mga project ni Mama Imee sa Victorino’s restaurant at ito rin ang venue ng early Christmas party for the entertainment press ni Mama Lorna.

May nagkuwento sa akin na promising ang Imeldifique Cooking Wine kaya kinulit-kulit ko kahapon ang mga wai­ter ng Victorino’s kung may sample pa sila.

Ang sey ng waiter, hintayin ko na lang ang pagdating ni Queenie, ang kapatid ni Ilocos Sur Vice Governor DV Savellano at manager ng Victorino’s dahil siya ang nakakaalam kung may natira pa na sample ng cooking wine na nakakatulong daw para makapagluto ng Imeldifique dish.

ACIRC

ANG

EAT BULAGA

IMELDIFIQUE COOKING WINE

LORNA

MAMA

MAMA GRACE

MAMA LORNA

MGA

PAPA RUDY

POPE FRANCIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with