^

Pang Movies

Habang nagsasayaw ang mga bakla sa Roxas Blvd… Pemberton binasahan na ng sakdal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang sinadya na isinabay sa World AIDS Day kahapon ang pagpapataw ng korte ng sentensya kay US Marine Lance Corporal Joseph Pemberton, ang suspect sa pagpaslang sa transwoman na si Jennifer Laude noong October 2014.

Habang nagsasayawan ang mga vaklush sa Ro­xas Boulevard bilang paggunita sa World AIDS Day, binabasahan naman ng parusa sa korte si Pemberton.

Live na napanood sa TV ang mga kaganapan sa Olongapo Regional Trial Court Branch 74 na naki­agaw sa oras ng mga sumusubaybay sa mga afternoon teleserye ng GMA 7 at ABS CBN.

Mala-teleserye na tinutukan ang paglilitis sa kaso ni Pemberton dahil transgender ang namatay sa kanyang mga kamay.

Guilty sa homicide at hindi sa murder ang hatol ng korte kay Pemberton na inutusan na bayaran ng P4.3 million ang pamilya ni Laude para sa loss of earning capacity at P155, 250 para sa burial expenses.

Hindi pinaboran ng korte ang demand ng pamilya ni Laude na bayaran sila ni Pemberton ng P100 million para sa moral damages dahil P50,000 lang ang halaga na inaprubahan.

Hinatulan si Pemberton ng korte ng Olongapo na makulong ng anim hanggang labindalawang taon sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Tinalbugan ang mga artista Duterte at Pemberton, trending nationwide!

Sina Pemberton at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga favorite topic kahapon kaya pansamantalang natalbugan nila ang mga artista.

Hot copy si Papa Rudy dahil sa pagmumura niya kay Pope Francis at pinag-uusapan si Pemberton dahil sa guilty verdict sa kanya ng Olongapo Regional Trial Court.

Parang mga sikat na young actor ang dalawa dahil nag-trending kahapon ang kanilang mga pangalan.

Kung marami ang na-turn off sa pagmumura ni Papa Rudy sa Santo Papa, marami rin ang pumupuri at nagtatanggol sa kanya.

Wondering naman ang mga vaklush sa magi­ging kapalaran ni Pemberton kapag dinala na siya sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Tiyak na inaabangan na si Pemberton ng kanyang mga magiging kakosa sa bilibid pero siyempre, alam naman natin na hindi papayag ang US government na masaktan siya.

Showbiz press, in demand sa mga pulitiko!

In demand na in demand ang entertainment press sa mga pulitiko na kumakandidato.

Ito ang bihirang pagkakataon na biglang binibigyan ng importansya ng mga pulitiko at kandidato ang showbiz press dahil alam nila na bukod sa front page, ang mga entertainment section ng mga diyaryo ang unang tinutunghayan ng readers.

Kaliwa’t kanan ang mga Christmas party ng mga pulitiko para sa entertainment press na matatalino dahil kahit invited sila, alam nila sa kanilang mga isip at puso ang mga karapat-dapat na iboto at maluklok sa puwesto.

Alam na alam din ng showbiz press na naka­kaalaala lamang ang karamihan sa mga pulitiko tuwing panahon ng eleksyon. Kilala at ti­natandaan nila ang mga pulitiko na hindi nagbago ang magandang trato sa entertainment press, may eleksyon man o wala.

Kalandian ni Lola Tinidora, mas gusto ng tao

Bumalik na kahapon sa kalyeserye ng Eat Bulaga ang Lola Tinidora character ni Jose Manalo.

Matagal na hindi napanood sa Eat Bulaga si Lola Tinidora dahil nagbakasyon sa Amerika si Jose at nang magbalik ito, ang kanyang another character na si Frankie Arenolli ang ilang araw na nasilayan ng kalyeserye addicts.

Marami ang nagsasabi na mas type nila na panoorin ang malandi na Lola Tinidora character ni Jose kesa kay Frankie Arenolli, kahit alam nila na iisang tao lamang ang dalawa.

ACIRC

ANG

DAHIL

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

EAT BULAGA

FRANKIE ARENOLLI

LOLA TINIDORA

MGA

NEW BILIBID PRISONS

PAPA RUDY

PEMBERTON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with