^

Pang Movies

Habang kapiling si Derek sa Palawan Kris may taga-deliver ng pagkain sa mga anak

- Vinia Vivar - Pang-masa

As we write ay nasa Palawan pa rin si Kris Aquino at nagsu-shooting ng All You Need is Pag-ibig.

May limang araw na siyang nandodoon at say nga niya sa kanyang post, ito raw ang pinakamatagal na nawalay siya sa kanyang mga anak na sina Joshua and Bimby.

Tinuhog na ni Kris ang pagsu-shoot sa Palawan. Bukod sa Metro Manila Film Festival movie, doon na rin sila nag-taping for Kris TV. Kaya ang ibang netizens ay nag-aalala sa pagka-workaholic niya at baka tumaas na naman daw ang blood pressure.

Panay nga ang post ni Kris sa IG niya ng mga maga­gandang tanawin sa dagat pero bibilib ka naman dahil updated pa rin siya sa nangyayari sa dalawa niyang anak at nagpo-post din siya ng pictures ng mga nangyayari sa dalawa sa Manila.

Kahit wala siya, gabi-gabi ay may naghahatid ng dinner kina Joshua at Bimby.

The first night na wala siya, nagpasalamat siya kay Pam Pamintuan sa pagbisita at paghahatid ng pagkain sa kanyang two boys.

On the second night, sina Biboy Arboleda (of Dreamscape Entertainment and Coco Martin’s manager) at Direk Erick Salud ang naghatid ng dinner sa dalawang bagets.

“We’re blessed to have caring friends. This is one of the longest times I’ve spent away from them & I couldn’t take them w/ me because they couldn’t be absent Friday, Tuesday & Wednesday,” post ni Kris.

Sa third night ay kay Bernard Cloma naman siya nagpasalamat sa pagdadala ng Japanese food sa kanyang mga anak.

In one post ay picture nila ng leading man niya sa pelikula na si Derek Ramsay at naka-topless ang aktor kaya ang daming na-yummy-han dito.

In fairness, base sa mga positive comments, mukhang ang dami nang nag-aabang sa movie.

Mariel masaya na ulit, sinagip sa matinding depresyon ni Robin

“Masaya na ako ulit,” ang pahayag ni Mariel Rodriguez sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda aired last Monday night.

Sa malas ay naka-recover na nga si Mariel sa pangalawang miscarriage niya noong Agosto pero habang pinag-uusapan ito ay hindi pa rin maiwasang mapaiyak ng TV host.

Matatandaang nagkaroon ng first miscarriage si Mariel noong March of this year at say niya, akala raw niya ‘yun na ang pinakamasakit.

“The first time it happened, it was in March, that one, I thought really that it was the most painful thing ever that has ever happened to me. Because finally, when I was ready, finally when I decided that I was ready to do it, that I want to have a baby, then, it happened.

“’Yun pala, hindi pa pala ‘yun ‘yung mas pinakamasakit,” pahayag ni Mariel.

Pero kahit napakasakit, nakaya niyang lampasan lahat all because of her husband, Robin Padilla.

“Naging okay kasi, I’m so blessed, Tito Boy, kasi, si Robin was really very supportive. ‘Yun talaga. Siguro, sabihin na natin na hindi ako sinuwerte na magkaroon ng anak ngayon, pero sobra akong swerte sa asawa, Tito Boy,” naiiyak na sabi ni Mariel.

“Sobra akong swerte, sobra niyang bait sa akin, sobra niya akong inalagaan, most especially dito sa second time that it happened to us,” she added.

Sa ikalawang pagbubuntis niya ay multiple pregnancies daw ito at pwedeng twins or triplets sana ang kanyang iluluwal. Pero walang heartbeat ang iba at may natira sanang isa pero unfortunately, in the end, nawala rin ito.

“’Yun talaga, nag-breakdown na ‘ko do’n, I was really gonna lose it already, I was about to go dark, I was bitter, I was not in a good place.

“And then Robin took me out of the country and he reassured me that the world would be okay even if it’s just the two of us. So he was able to make something bad positive.

“Na parang na-feel ko na blessed pa rin ako, Tito Boy, masaya pa rin ako, masaya na ako ulit.”

When asked kung ano ang prayer niya ngayon, say ni Mariel, “I don’t even ask for it anymore, I don’t, I’m way passed it.”

And now, back to work na nga si Mariel at napanood siya sa Pinoy Big Brother 737. When asked kung talaga bang balik-ABS-CBN na siya, aniya ay nakipag-meeting siya sa mga executives at hindi pa raw niya pwedeng i-announce ang mga projects dahil in the works pa raw ito and for next year pa. Pero sobrang excited daw siya.

“God is so good, sobra!” sambit ni Mariel.

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED

ANG

BERNARD CLOMA

BIBOY ARBOLEDA

MARIEL

NIYA

PERO

SIYA

TITO BOY

YUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with