Jose Manalo sinulit ang ‘bakasyon’ sa Amerika!
Tulad nang sinabi ng manager niya, bumalik na nga si Jose Manalo mula sa two weeks vacation niya from the States. Marami nang naghahanap kay Jose at kung anu-ano pa ngang mga intriga ang kumalat.
Bale sinulit na raw ni Jose ang bakasyong ibinigay sa kanya ng TAPE, Inc. pero miss na miss na niya ang Eat Bulaga at ang kalyeserye. Muling nagbalik si Jose sa character niya bilang si Frankie Arenolli from Italy, na masugid na manliligaw ni Yaya Dub noon, pero wala na raw sa kanya iyon ngayon, friends na lamang niya sina Yaya at Alden Richards.
LGBT magmamartsa sa QC
Sa pangalawang pagkakataon, gagawin muli ang pinakamalaking Pride celebration na muling iho-host ng Quezon City government, ang pagsasama-sama ng mga LGBT groups kaya umaasa silang mas malaki ang selebrasyon ayon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) of the Quezon City Gender-Fair Ordinance.
Sa Linggo, December 6, gaganapin sa City of Stars ang 2nd QC LGBT Pride March sa Tomas Morato, sa tulong ng Quezon City Pride Council (QCPC), na magtatampok din ng mga naka-line up na activities, at labanan ng mga UnKabogable floats ang Pride March.
Magkakaroon din ng awarding of competition winners, LGBT fashion shows at magtatapos ito sa most-awaited Jungle Party Circuit. Sasali rin sa parade ang iba pang LGBT groups and community-based organizations and allies mula sa iba’t ibang cities and provinces. Ang theme nila this year ay Magkakaiba at Nagkakaisa, na ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, ang naturang celebration tulad ng Pride March ay isang paraan para ma-realize ang aim ng grupo.
Bukas, November 27, magkakaroon na ng public announcement kung saan sa Tomas Morato magsisimula ang Pride March, pero sinisiguro nilang walang maapektuhan ng trapik dahil pangangasiwaan ito ng Quezon City Police District, Metro Manila Development Authority (MMDA). Nagpasalamat si EJ Ulanday, ang chairman ng Pride March 2015, sa pagiging partner nila ngayon ng MOOVZ at Jungle Party Circuit.
Ogie balik-Bubble Gang
Muling mapapanood si Ogie Alcasid ngayong Friday sa special presentation ng Bubble Gang sa pagsi-celebrate nila ng 20th anniversary.
Ilo-launch din sa number one gag show ang kanilang commemorative gag book na maglalaman kung paano nagsimula at tumagal ang top-rating gag show.
May bonus pang mga gags, sketches, at TV ad spoofs sa loob, plus memorable segments ng show. Mapapanood ang Bubble Gang pagkatapos ng final episode ng Beautiful Strangers.
- Latest