^

Pang Movies

Kahit ‘di naman daw sila James binabawalan na si Nadine na magsuot ng super sexy na damit

- Vinia Vivar - Pang-masa

Marami ang nagtaka sa pagkwestyon ni James Reid sa ka-loveteam na si Nadine Lustre sa seksing kasuotan nito sa premiere night ng Wang Fam.

Wala naman kasi silang relasyon kaya bakit daw ganu’n na lang kung makapanita ito ng damit ng young actress.

Nakunan ng camera ang pagtatalo ng dalawa habang nagsisimula ang premiere night.

Ayon sa source namin na naroroon nang gabing iyon, iritado nga raw si James dahil late na nga si Nadine, super-sexy pa ng attire.

Siyempre, ang mga JaDine fans ay kilig na kilig sa nangyari dahil ibig lang daw sabihin nito, nagkakagustuhan na ang dalawa.

Pero say naman ng source namin na laging nakakasama ang dalawa, hindi naman daw maitatanggi na may care naman ang mga ito sa isa’t isa.

“Nandu’n ‘yung care kasi kahit sa ta­ping, makikita mo talaga ‘yung pag-treat nila sa isa’t isa. Pero hindi pa sila,” say ng aming source.

Ayon naman sa isa pang kausap namin na malapit sa dalawa, between the two, si James daw ang mas maasikaso kay Nadine in real life.

“’Yung role niya as Clark na maasikaso kay Leah, ganu’n din si James in real life kay Nadine. Siya ‘yung mas maasikaso,” say ng aming source.

Oh well, baka naman…

Speaking of OTWOL, si Paulo Avelino ang la­test addition sa cast ng serye. Gagampanan niya ang karakter na boss ni Leah (Nadine) at kung ano ang magiging kaugnayan niya sa love story ng dalawang bida, yan ang dapat abangan.

Boy nasaktan sa ginawa ni Karen kay Alma

Aminado si Boy Abunda na he felt bad for Alma Moreno matapos niyang mapanood ang interview nito with Karen Davila sa Headstart ng ANC.

Matatandaang naging viral ang nasabing interview kung saan ay makikitang nahirapan si Ness sa pagsagot sa ilang mga katanungan ni Karen.

“It was painful to watch,” pag-amin ni Kuya Boy nang makausap namin last Thursday. “I felt bad for Ness pero ayoko ‘yung blame game. I know Karen and I don’t think she has the intent of hurting Ness. Ness naman, I don’t think has the intent also to make herself funny.”

Ayon kay Kuya Boy, nakita niya ang pag-alalay ni Karen kay Ness during the interview at sa kaso naman ni Alma, dapat daw ay pinaghandaan nito ang guesting.

“Para sa akin, responsibildad ng guest lalo na kung ikaw ay tumatakbo for public office na paghandaan ang isang political interview. Headstart is a political show.

“You were not being asked about rocket science. Doon, medyo off ‘yun, kung halimbawa, tinanong ka, “how do you invent rockets ships?” I mean, that’s an entirely different story.

“But if you are asked about same sex marriage which is hot globally, you know, these are issues during elections. But she (Ness) took a position, hindi lang niya naipaliwanag. Sabi niya, “yes”, pero hindi lang naipaliwanag ni Ness.

“Ako, with humility, ang advice ko, sa susunod na mage-guest ka halimbawa sa ibang programa, you’re not promoting a movie, ika’y piniprinsinta mo ang iyong sarili sa taumbayan and you should be ready for all these issues,” pahayag ng King of Talk.

Toni ginagawang driver ang bagong ka-‘exclusive date’ ni Alex

Inamin ni Alex Gonzaga na after two years, she’s finally da­ting again. Non-showbiz daw ang guy at aprubado ng kanyang buong pamilya – her parents and sister Toni G.

“Pag talagang right time, may right person para sa iyo, talagang walang ibang makakapigil. Parang smooth sailing, walang hindrance, walang hindi puwede, walang bawal, lahat maayos,” sabi ni Alex sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa show nitong Tonight with Boy Abunda.

Nag-aaral daw ang guy at sa ngayon, ang estado nila ay “exclusively dating”.

Kwento nga ni Alex, aprub na aprub ng ate niya ang guy dahil may pagkakataong ginagawa pa raw driver ito ni Toni.

“May mga times na ang ate ko, magpapasundo, tapos sasabihin niya, “pahatid mo na lang ako sa kanya”. Ginawa siyang driver ng ate. Pero ibig sabihin, aprub ng ate,” kwento ni Alex.

vuukle comment

ACIRC

ALEX

ALEX GONZAGA

ANG

AYON

BOY ABUNDA

KUYA BOY

NADINE

NAMAN

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with