^

Pang Movies

Atty. Acosta, hindi takot sa susunod na pangulo

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung meron kaming isang taong gustong saluduhan, ito’y walang iba kundi si PAO Chief, Atty. Persida Acosta. Siya kasi ang tagapagtanggol ng mga naaapi ng mga walang kakayahang kumuha ng abogado at salat sa salapi para ipaglaban ang kanilang karapatan.

Kahanga-hanga rin ang ipinapakitang tapang ni Atty. Acosta. Binabangga niya ang sinumang inaakala niyang nasa maling daan. Ang huli nga ay itong laglag-bala na ang biktima ay ang matatanda at mga OFW’s.

Natatakot ba si Atty. Acosta na baka sa pagpapalit ng admi­nistrasyon sa darating na taon ay mawala na siya sa puwesto bilang PAO Chief? “Dalawang Presidente na naupo, pero sa awa ng Diyos, andyan pa rin naman ako. Basta ginagawa mo ng tama ang tungkulin mo, wala kang dapat katakutan,” pahayag ni Atty Acosta.

Alam ni Atty. Acosta na marami siyang kalaban at siyempre galit sa kanya ang kalaban ng kanyang mga ipinagtatanggol. Pero para sa kanya, ang tunay niyang kalaban ay ang kanyang health. “Kaya nga maingat na ako mula nang may iba na akong naramdaman. Siyempre, hindi na tayo bumabata,” pagtatapos ni Atty. Acosta.

Sylvia natupad na ang pinapangarap

Pinangarap na niya noon pa man na magkaroon ng award. Bago pa lang maging artista ay sinasabi na niya sa kanyang sarili na balang araw ay aakyat din siya sa entablado at ma­ririnig niya.... and the winner is.... Sylvia Sanchez.

“Pinangarap ko talaga, hindi ko ipagkakaila na gusto kong magka-award. Pero hindi ko akalain na kung kailan ako tumanda, hahaha. Alam mo ‘yun, kasi bata pa ako, nangangarap na ako na tumanggap ng tropeo, at ngayon nga, heto ‘di ko akalain, at sunud-sunod pa,” sabi ni Sylvia.

Bukod sa mahusay na pagganap ng aktres sa telebisyon, higit na hinangaan si Sylvia sa pelikulang The Trial with Gretchen Barretto at Richard Gomez at anak naman niya si John Lloyd Cruz.

Kaya pinahalagahan ng PMPC Star Awards reviewers ang ipinamalas na acting niya bilang isang mother tomboy.

Recently ay tinanggap ni Sylvia ang tropeo ng 15th Gawad America bilang tanda sa husay niya sa pag-arte. “I’m so happy na ako ang napili nila. Ang saya-saya ko grabe dahil ‘di biro ito. Karangalan ito na hindi mapapantayan. Mawala man ako sa mundo ito ‘yung magiging alaala sa anak ko at sa kaapu-apuhan ko,” pagmamalaki ni Sylvia.

ACIRC

ACOSTA

AKO

ALAM

ANG

ATTY ACOSTA

DALAWANG PRESIDENTE

GAWAD AMERICA

GRETCHEN BARRETTO

JOHN LLOYD CRUZ

KAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with