^

Pang Movies

Matigas daw ang ulo at ayaw patalo Liza ayaw na sa ugali ni Enrique!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang katigasan ng ulo ang hindi gustong ugali ni Liza Soberano sa kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil.

“Hindi po siya nakikinig. Kunyari may opinyon ako, hindi pwede ‘yung opinyon ko. ‘Yung opinyon n’ya lang. Ganu’n. Kunyari, sabi niya, “Chris Brown is the best”. Sabi ko, “ako, para sa akin, si Justin Bieber”, sabi ko, “Okay, I get that Chris Brown is the best pero para sa akin, Justin Bieber is the best”. Sabi niya, “no, Chris Brown is the best, period”,” kwento ni Liza.

Kumontra naman si Enrique at aniya, pareho lang naman daw sila na ayaw patalo sa opinyon at nagtalo na naman sila kung sino ang the best between Justin Bieber and Chris Brown. Ha-ha-ha!

Ang pinakagusto naman daw ni Liza kay Quen ay ‘yung pagka-good vibes nito.

“Very positive person. Kahit nasa bad situation kunyari or malungkot siya, he always finds a way to turn it upside down,” sey ni Liza.

Si Quen naman, ang pagiging negative thinker daw minsan ni Liza ang hindi niya gusto sa kapareha.

“’Pag may nangyaring masama, down lang siya the whole time. Ako kasi, ayoko ng ganu’n. ‘Pag medy­o bad trip, I was always trying to be positive.

“Ako siguro ‘yung nagba-balance lalo na sa kanya. Kasi ‘pag na-down siya, sobrang down siya. ‘Pag may problem, sira na ang araw niya. Eh ako siyempre, gusto kong makitang masaya siya,” sabi ni Quen.

Pinakagusto naman daw niya kay Liza ay ang pagiging thoughtful nito.

“She has a big heart, she always likes to give to people,” say ni Quen.

Dagdag pa ng young actor, ikinuwento pa raw sa kanya ng ina ni Liza na noon pa ay lagi raw tumutulong at nagbibigay ang young actress sa mga homeless people.

“Sabi rin ng mom niya, siya ‘yung pinaka-generous or pinaka-giving sa kanilang magkakapatid noong bata,” kwento pa ni Quen.

Sa ngayon ay naghahanda na ang LizQuen sa next soap nila after Fore­vermore. Sisimulan nila ito sa December. Kasalukuyang palabas pa rin ang movie nilang Everyday I Love You with Ge­rald Anderson.

Sen. Chiz, umiiwas kay Vice Mayor Isko

Aminado si Sen. Chiz Escudero na mas magandang lalaki ang dating aktor na si Manila Vice Mayor Isko Moreno kaysa sa kanya.

Kaya naman hangga’t maaari, iniiwasan niya raw itong makatabi sa kanilang mga lakad nila Sen. Grace Poe.

“Hangga’t maaari kasi ayaw ko makasama si Isko sa paglilibot. May itinuro sa akin ng lolo ko. Sa mga kalalakihan dito baka magamit ninyo rin ang payo ng lolo ko,” kwento ni Chiz noong mag-ikot sila ni Isko, na tumatakbong senador sa Team Galing at Puso, sa Nueva Vizcaya nitong nakaraang linggo.

“Sabi sa akin ng lolo ko: ‘Chiz, kung pipili ka lang ng kaibigan at lalabas kayo, tiyakin mo na sa mga kasama mo, ikaw na ang pinakamay-itsura. Kahit na hindi ka gwapo, angat ka pa rin,’” natatawang kwento ni Chiz.

Kasama si Isko sa senatorial lineup ni Grace at Chiz para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon naman kay Grace, gusto niyang maging inspirasyon si Isko ng mga mahihirap na kababayan na makaangat din sa buhay.

“Kahit galing sa angkan ng mahihirap sa Tondo, nakita natin kung papano niya iniangat ang kanyang sarili, nag-aral, gumawa ng paraan para makapag-aral, kung anu-anong trabaho ang pinasok, hindi ikinahiya ang pagiging mahirap at hindi rin kinalimutan na kaya siya nakarating sa kanyang pinaroroonan ay dahil sa kanila,” sey ni Grace patungkol kay Isko.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIZ

CHRIS BROWN

ISKO

JUSTIN BIEBER

KAHIT

NAMAN

NIYA

QUEN

SABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with