Aiko haharapin na ang tunay na mundo
MANILA, Philippines – Aminado si Aiko Melendez na ‘pag may time siya ay nakikipag-date siya sa kanyang non-showbiz na manliligaw. Businessman. Foreigner. Amerikano. “Wala pa kaming relasyon,” say ni Aiko.
Magkaibigan pa lang sila at nasa estado sila ng know each other. Tipong pampa-inspire. Mahirap naman daw yong puro trabaho lang. Pero sa ngayon, ang priority ni Aiko ay ang trabaho niya. Nakakapagod din daw naman ang puro pagmamahal at ngayong kumatok sa kanya ang magandang oportunidad, magagandang project, dito na muna siya.
Matapos nga kasing mamahinga ng actress turned politician na si Aiko at binigyang daan niya muli ang pag-arte, kakaibang Aiko ang iniluwal sa pelikulang Asintado na nagbigay sa kanya ng parangal at papuri bilang actress sa tunay na kahulugan nito.
“Pahinga na muna ako sa politics. Haharapin ko na muna ang tunay kong mundo, ang pag-arte. Sayang din kasi yung pagkakataon na dumarating,” pahayag ni Aiko.
Mga pulitiko, marami ring artistang iniidolo
Mga pulitiko, hindi nagpaawat. Aba, akalain mo, hindi talaga tinantanan ni running Vice Mayor ng Manila na si Congressman Atong Asilo with former Congressman and TV-Host Rodante Marcoleta of 1-Sagip Party List si PMPC former President na si Ms F as in Fernan de Guzman na makapagpapiktyur kina Kim Chiu at Glaiza de Castro nitong 7th Star Awards for Music na ginawa sa Kia Theater sa Q.C.
Hindi lang naman sila Cong. Asilo at Marcoleta ang mga pulitikong nagbigay pugay sa okasyon. Namataan din namin ang ilang matataas na opisyales na ang sadya naman ay ang mga nominado at nagwaging mga mang-aawit gaya nina Vina Morales, Regine Velasquez-Alcasid at Kyla.
Pero syempre, hindi mawawala sa pagkakataong iyon ang mga mahadera at malilikot ang isip. Kaya raw visible ang mga pulitiko sa ganyang okasyon ay dahil malapit na ang eleksyon.
Nguni’t para sa amin, anuman ang kanilang motibo e labas na tayo, ang mahalaga ay matino silang nakikipagkaibigan.
- Latest