^

Pang Movies

Maine ginawan ng sariling pista ng fans

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagkakatuwaan sa location shooting ng kalye­serye kapag napag-uusapan ang Metro Manila Film Festival. Mayroon din palang version ang mga fans ni Yaya Dub (Maine Mendoza) tungkol sa MMFF.

Ang kanilang version ay naging Maine Mendoza Fulkerson Festival sa dami ng raket ni Yaya Dub ngayon kasama si Alden Richards na halos wala na talaga silang pahinga.

May nakapansin kay Yaya Dub sa ta­ping, hindi siya palautos sa mga taong nasa paligid niya tulad ng paghingi ng tubig, pagkain at magpa-paypay sa mga alalay sa sobrang init sa location.

Laking Bulacan kasi si Yaya Dub, maaga nyang natutuhan ang pagtulong sa sarili nang hindi umaasa kanino man.

Culinary Arts graduate si Maine kaya marahil hindi niya nakagawian ang mag-utos. Handang-handa na sila Maine at Alden sa darating na MMFF para sa kanilang pelikulang My Bebe Love, kabado si Maine, first time niyang gaganap sa pelikula na matagal na niyang pinapangarap.

Kapamilya, hindi nakakalimot magpasalamat

Hindi kailanman magpapahuli ang ABS-CBN pagdating sa pagsalubong ng kapaskuhan, inilawan na nila ang maganda at malaking Christmas tree para sa kanilang mga tagahanga.

Isang bagay na mapapansin sa ABS-CBN ang pagmamahal sa kapwa at pagtulong ang palaging tema ng kanilang Christmas Identification. Tanda ng malaking pasasalamat sa mga biyaya nilang natatanggap.

Divina Valencia, minani ang pagtataray

Agaw eksena palagi si Divina Valencia sa te­leseryeng Beautiful Strangers tahimik lang sya pero bumubulyaw pag di gusto ang pag-uugali ng kausap. Sobrang irita si Divina sa pamangkin ni Dina Bonavie na si Hanna, sobra siyang nakikialam sa pamilya kaya nasermonan siya.

Dating mataray si Divina kung kaya naman hindi nahirapan sa eksenang ginampanan. Si Divina ang may pinakamagandang katawan noong araw at nagpauso ng bikini at naging Reyna ng mga Beki sa showbiz. Akala niya hindi na siya makakabalik sa showbiz dahil matagal siyang tumira sa America kaya nga lang, hindi niya talaga matanggihan ang karisma ng showbiz.

Personal...

Happy Birthday to my dearest wife Maria Te­resa San Juan on Nov.19 from loving husband Milo San Juan of Sabang, Baliuag, Bulacan.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

CHRISTMAS IDENTIFICATION

CULINARY ARTS

DINA BONAVIE

DIVINA

DIVINA VALENCIA

HINDI

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with