^

Pang Movies

Wally biglang yaman din

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naambunan din ng biyaya at suwerteng dala ng kalyeserye ng Eat Bulaga si Wally Bayola.

Bilang Lola Nidora, laking pagbabago ang dinala nito sa buhay ni Wally na noong 2013 ay muntik nang iwanan ang showbiz dahil sa isang sex scandal sa internet.

Pinarangalan nga kamakailan si Wally bilang Most Innovative Comedian award mula sa Illumine: GIC (Global City Innovative College) Innovation Awards for Television.

Noong nakaraang buwan ay tumanggap siya ng parangal sa Catholic Social Media Summit.

Ni-release kelan lang ng Bank of the Philippine Islands ang video sa kanilang Facebook account ng bago nilang campaign na pinapakita si Wally bilang si Lola Nidora na nagbibigay ng payo kung paano yumaman.

Noong lumabas ang naturang video ay nakakuha na ito ng higit sa 17, 000 views.

Ito ang ikatlong endorsement ni Wally simula noong maging phenomenal hit ang kalyeserye. Nauna ang O+ Android Phones at pangalawa ay ang McDonald’s.

Ken Chan minaster kung paano maging babae

Ngayong November 13 na magaganap ang tinatawag na “most beautiful transformation in Philippine Television” sa GMA 7 Afternoon Prime series na Destiny Rose.

Sa araw na ito ay masasaksihan ng marami ang paglabas ng Kapuso young actor na si Ken Chan bilang ang misteryosang si Destiny Rose.

Mula sa isang api-apihan at mahilig mangarap na si Joey Flores Vergara, magta-transform ito bilang ang inaabangan na transwoman na pinahanga ang marami dahil sa kanyang husay sa pagsusulat ng romance novels.

Para kay Ken, hindi raw madali ang pinagdaanan niyang pag-transform mula sa bading na si Joey hanggang sa maging ang mala-Diyosa na si Destiny Rose.

 “Mahirap itong gawin. Hindi siya biro, physically and emotionally, hindi ganun kadali ang pinagdadaanan ko as Destiny Rose.

 “Marami akong prosesong pinagdaanan.

 “I did a lot of workshops and I researched about transwomen, about girls, how they move, talk, communicate, sing, and everything else about women,” kuwento pa ni Ken.

Kapag nasa set na raw siya, hindi na siya si Ken kundi si Destiny Rose na siya.

Simula pa lang ito ng panibagon chapter sa buhay ni Joey bilang si Destiny Rose at ito ang dapat abangan sa GMA Afternoon Prime.

Bembol todo-deny sa ‘relasyon’ kay Nora

“Hindi naging kami ni Guy!”

Ito ang pinagdiinan ng award-winning veteran actor na si Bembol Roco nang tanungin kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Superstar Nora Aunor noon.

Nagkasama sina Bembol at Ate Guy sa mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos, Minsan May Isang Ina, Merika at Thy Womb.

Wala raw nabuo na romansa sa kanila  ni Ate Guy dahil parang kapatid lang daw siya ng aktor.

 “Kuya ang tingin sa akin ni Guy. Kapag may problema ‘yan noon, sa akin magsasabi at iiyak.

 “Gano’n na ang naging relasyon namin, eh. Parang magkapatid na kami.

 “Pinagtatanggol ko yang si Guy na parang bunso kong kapatid na babae.”

Ngayon at magkasama na sila ulit sa teleserye na Little Nanay.

Wala pa rin daw nababago kay Guy ayon kay Bembol. Mahilig pa rin maglam­bing at very open pa rin sa kanyang mga problema.

vuukle comment

ACIRC

AFTERNOON PRIME

ALIGN

ANG

ATE GUY

BEMBOL

DESTINY ROSE

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with