Angelica minamadali na ng mga kaibigan na mag-asawa
Angelica Panganiban turned 29 on her birthday, November 29. Kaya, ang tukso sa kanya ng mga kaibigan ay kung kailan sila pakakasal ni John Lloyd Cruz, her boyfriend of nearly three years.
Surprisingly, according to Angelica, hindi siya in a hurry to get married. Not at this time, aniya, when she has never had it so good, careerwise.
Kontrabida ang role ni Angelica sa seryeng Pangako Sa’yo kung saan ina siya ng isang 19 year-old na lalaki, (played by Daniel Padilla) which made her realized she has matured as an actress.
Add to this the fact that in the gag show, Banana Sundaes (formerly Banana Split Extra Scoop), ang pagiging komedyana naman ang kanyang ipinakikita.
And happily, viewers just love her, especially when she impersonates Kris Aquino, in a supposed talk program with Jason Gainza as her co-host.
“Sa Banana Sundaes ko rin nagagawa ang sumayaw, no matter na hindi naman ako marunong talagang sumayaw,” Angelica laughed.
Masaya si Angelica dahil gaya niya, super busy din si John Lloyd.
Kasali na sa MMFF 2015 ang first indie movie, Honor Thy Father, ng kanyang boyfriend na si John Lloyd kung saan pumayag siyang kalbuhin, para maging makatotohanan sa kanyang role na ginampanan. Naging opening movie din ito ng Cinema One Original Film Festival, which started noon nakaraang Sabado.
Kasalukuyan din nitong tinatapos ang kanyang reunion movie with Bea Alonzo, A Second Chance, directed by Cathy Garcia Molina and a sequel to his and Bea’s successful and blockbuster team-up, One More Chance.
Rossel mas matapang kesa sa asawang si Anthony
Ang gandang pagmasdan, Salve A., ang mag-asawang Anthony at Rossel Taberna, as they faced selected members of the entertainment press sa isang maliit na salu-salo na ginanap in their own restaurant, Ka Tunying’s Café.
Located in Visayas Avenue, Quezon City, it’s the same eater na niratrat ng bala ng hanggang ngayon ay hindi pa natutukoy kung ano at sino ang pakay ng mga salarin, para gawin nila ang kanilang ginawa.
Hindi kaya gusto lang nilang takutin si Anthony, who, as a broadcaster-journalist and radio commentator, sometimes become too critical, sa mga dapat lang naman punahin, especially among government officials, for comfort?
But as Rossel, na siyang mas matapang, according to Anthony, kung takot ang kanilang paiiralin, walang mangyayari sa kanila. Kailangan magpatuloy ang buhay. Ang pakikibaka sa buhay, lalo na.
Between them, too, according to Anthony, yes, again, mas business-minded si Rossel.
Kaya ito raw ang namamahala ng kanilang restaurant cum bakery, which only serves pagkain pambreakfast the entire day.
Very affordable raw ang presyo ng mga pagkaing kanilang isini-serve.
At ipinagmamalaki nilang bawa’t pastry na kanilang isini-serve at ipinagbibili ay may Pinoy touch.
Ka Tunying’s Café is named after his Dad, the late Antonio Taberna, Sr. Anthony said. He is his Dad’s junior, Anthony, the son, beamed.
Of Rossel, she is also engaged in events organizing. At may beauty and priming salon din siya located near the studio ng ABS-CBN, where, of course, we all know, Anthony works.
Pia Wurzbach atat nang mag-artista
Win or lose raw sa darating na Miss Universe contest on December 20 in Las Vegas, Nevada this year’s Philippine representative, Pia Wurzbach, to join showbiz anew. Yes, after her reign as Bb. Pilipinas-Universe is over.
Natikman na raw kasi ni Pia ang maging artista, having been a Star Magic talent. She carried the name Pia Romero then.
Isa sa mga projects na ginawa niya with ABS-CBN was K2BU, kung saan nakasama niya sina Bea Alonzo, Angeline Aguilar at Shaina Magdayao.
- Latest