Jodi at Angelica, magsasalpukan sa Best Actress
Pormal nang inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga opisyal na nominado para sa 29th Star Awards For Television.
Layunin ng PMPC na bigyan ng pagpapahalaga ang mga orihinal na likha ng sariling atin.
Ang mga remake shows na Pangako Sa ‘Yo at Yagit na naulit na lang ang pagpapalabas, ay ‘di kasali sa mga nominadong programa, pero pasok sa nominasyon ang mga deserving sa acting categories.
Naluklok na sa Hall Of Fame (nagwagi na ng 15 awards) ang mga programang Maalaala Mo Kaya, Eat Bulaga at Bubble Gang, kaya’t wala sila sa listahan ng mga nominadong programa, subalit ang mga mahuhusay na pagganap sa MMK ay binigyan ng nominasyon.
Ang 29th PMPC Star Awards For Television ay produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at gaganapin ito sa unang linggo ng December, 2015.
For Best Drama Actress, walo ang nominado at ito ay sina Aiko Melendez (Give Love On Christmas Presents The Gift Giver/ ABS-CBN 2), Angelica Panganiban (Pangako Sa ‘Yo/ABS-CBN 2), Coney Reyes ( Nathaniel/ ABS-CBN 2), Jodi Sta. Maria ( Pangako Sa ‘Yo/ABS-CBN 2), Empress Schuck ( Kailan Ba Tama Ang Mali?/GMA 7), Jolina Magdangal (Flordeliza/ABS-CBN 2), Maja Salvador ( Bridges of Love/ ABS-CBN 2) at Shaina Magdayao ( Nathaniel/ ABS-CBN 2).
Sa Best Drama Actor naman ay maglalaban-laban sina Alden Richards (Ilustrado/GMA 7) Daniel Padilla ( Pangako Sa ‘Yo/ ABS-CBN 2), Jericho Rosales ( Bridges of Love/ABS-CBN 2), Eddie Garcia ( Give Love On Christmas Presents The Gift Giver/ ABS-CBN 2), Gerald Anderson (Nathaniel/ ABS-CBN 2), Paulo Avelino (Bridges of Love/ABS-CBN 2) at Piolo Pascual (Hawak Kamay/ABS-CBN 2).
Sa Best Primetime Series, ang mga nominado ay Bagito ( ABS-CBN 2), Bridges of Love ( ABS-CBN 2), Forevermore ( ABS-CBN 2), Hawak Kamay ( ABS-CBN 2), Nathaniel ( ABS-CBN 2), Pari ‘Koy (GMA 7) at The Richman’s Daughter (GMA 7).
(To be continued tomorrow)
Cast ng Wang Fam pinagkaguluhan sa EK
Talagang nagkagulo ang mga tao sa sikat na theme park na Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna, nu’ng Linggo, Nov. 8, nang dumayo roon, mag-flash mob at mag-show ang buong cast ng horror-comedy na Wang Fam ng Viva Films.
Hindi nagpahuli sa pagpapa-picture at pakikisaya sa mga bida ng Wang Fam mapabata man o matanda, sa pangunguna ng versatile comedienne na si Pokwang kasama ang mag-amang Benjie at Andre Paras, Yassi Pressman, child wonder na si Alonzo Muhlach, Candy Pangilinan, at Dyosa Pockoh.
Kasing-init nga ng tirik na tirik na araw nu’ng hapong iyon ang naging pagtanggap ng fans sa grupo ng Wang Fam, kaya maging sa dinner na ginawa sa Amazon area, pinagkaguluhan din sila at game namang kumaway at nakipag-picture ang mga artista.
Pumatok din ang maikling show na hinandog ng Wang Fam sa may food court area at talagang natigil ang mundo ng Enchanted Kingdom dahil ayaw ma-miss ng fans ang pagpe-perform ng mga idolo nila.
Unang nagbigay ng saya sina Candy at Dyosa na namigay ng libreng premiere night tickets para sa premiere showing ng Wang Fam sa SM Megamall sa Nov. 17.
Sinundan sila ni Alonzo, na bentang-benta ang pagkanta’t pagsayaw sa One Direction hit na You Don’t Know You’re Beautiful.
Siyempre pa, klik na klik din ang tilian ng audience sa kilig number ng Yandre (Andre at Yassi), na live na nag-Twerk it like Miley pa sa stage.
Grabe ang tawanan at hagikgikan nang rumampa na sa stage ang Wang Fam loveteam na Bewang (Benjie at Pokwang) at magpasiklaban ng mga nakatutuwang hugot at pick-up lines.
Tulad ng sinabi ni Pokwang, walang gagawin ang fans kundi tumawa lang nang tumawa habang nanonood ng pelikula na showing na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 18 sa ilalim ng direksyon ng all-time box-office director na si Wenn V. Deramas.
- Latest