Makabagong Darna, tanim-bala gang na ang makakalaban
MANILA, Philippines – May mga nagsasabi na dapat daw si Jessy Mendiola ang maging kapalit ni Angel Locsin para gumanap bilang Darna.
Maganda kasi ang katawan ni Jessy at fresh looking pa. Pwede rin naman daw si Maja Salvador.
Mukhang mabigat ang papel na gagampanan ngayon ni Darna sa makabagong henerasyon.
Hindi na mga aswang, tikbalang, valentinang reyna ng mga ahas ang kakalabanin niya kundi mga insekto ng lipunan.
Lilipulin niya rito ang mga nagdodroga, riding in tandem, magnanakaw at mga nagtatanim ng bala sa airport. Kailangan ipakita sa screen kung paano niya pupuksain ang mga kasalukuyang salot ng lipunan.
Problema nga lang, kasalukayan pang hinahanap ng ABS-CBN kung sino ang pwedeng ipalit kay Angel.
Pwede sanang si Ina Raymundo ang gumanap na Darna kasi ang ganda ng katawan niya. Ang problema lang, lima na ang anak niya at si Darna ay single pa at walang anak. Can you imagine na si Ina ay cover girl pa sa isang men’s magazine kahit lima na ang anak niya. Mahilig kasi siya mag-Zumba kaya ang figure niya ay patuloy na pinipituhan ng mga kalalakihan.
Aljur hindi pa rin nabakante
Buti na lang at may teleserye si Aljur Abrenica, ang Dangwa kung saan katambal niya si Janine Gutierrez at kasama rin ang aktor na si Mark Herras.
Paano kasi, swerte na sana kung nakasali sa MMFF ‘yung movie na Hermano Pule pero na-pull out at pinalitan ng movie ni John Lloyd Cruz. Uso pa naman ngayon ang mga movie na tungkol sa mga bayani magbuhat noong magklik ang Heneral Luna.
Maria Labo, malapit nang mapanood
Sa November 10 na ang premiere night ng bagong produced ng KiB Films, ang pelikulang Maria Labo sa SM Megamall 8:00 p.m. starring Kate Brios at Jestoni Alarcon, kasama sina Sam Pinto, Dennis Padilla at Miggs Quaderno.
Sana tulangan natin ang mga baguhang producer na nagbibigay ng trabaho sa mga artista, ‘wag silang lokohin dahil mga artista rin ang mawawalan ng hanap-buhay. Magtulungan tayo!
- Latest