^

Pang Movies

Kung pinatulan lang sana ang actor/politician noon aktres na mabagal ang image hirap pa rin sa pera

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung ginusto lang pala ng isang aktres na may pagkamabagal ang image, mayaman na mayaman na sana siya ngayon.

Niligawan pala ng isang actor/politician si aktres.

Pero true to her image na may kabagalan, ang tagal din ng pagdedesisyon ni aktres kung sasagutin ba si actor/politician, kaya medyo nainip na ito at hindi na raw itinuloy ang panliligaw kay aktres.

Sa pagkainip nga ni actor/politician, isang dating young actress/singer na naging girlfriend naman ng isang dating young actor na married na ngayon sa isang dating young actress na kapatid naman ng isang actor/politician ang niligaw-ligawan na lang ng unang actor/politician na tinutukoy ko.

May anak na nga si actor/politician kay young actress/singer habang si aktres naman na may kabagalan ang image, medyo hirap pa rin sa pera.

Sabi naman ng mga kaibigan ni actress na mabagal ang image, kaya raw hindi ito nagdesisyon kaagad nang ligawan ni actor/politician na mahina sa pagsasalita ng language ni Uncle Sam ay dahil hindi naman daw type ni actress ang nasabing manliligaw.

That time raw, may ibang manliligaw si aktres na mabagal ang image, isang mayamang businessman, pero nauwi rin daw sa wala ang relasyon niya sa lalaking ‘yon.

Annabelle suklam na suklam pa rin sa bf ni Ruffa

Character talagang kausap si Annabelle Rama!

Kahapon, bago ko tipahin ang item na ito, gusto ko munang siguraduhin kung hindi ba talaga invited si Jordan Mouyal sa belated birthday dinner ni Bisaya ngayon.

Tinawagan ko si Bisaya at ang tanong ko, “Sure ba, hindi invited si Jordan sa birthday dinner mo?!”

“What a stupid question! Natural, hindi siya invited!” sagot naman ni Bisaya.

Dumipensa naman ako kaagad at sinabing nililinaw ko lang sa kanya ang bagay na ‘yon at hindi stupid question ‘yon dahil knowing her naman na makakalimutan at minsan pati ang mga taong hindi niya gusto ay nababati o naiimbita niya sa birthday party niya.

Anyway, para wala silang issue na mag-ina, never na ring binabanggit ni Ruffa Gutierrez kay Bisaya ang tungkol sa boyfriend.

Siya nga pala, kaya mamaya  ang birthday dinner ni Bisaya ay dahil hindi available noong Sabado ang ibang mga anak niya at nagpunta pa siya sa Cebu City.

vuukle comment

ACIRC

ACTOR

ANG

ANNABELLE RAMA

BISAYA

CEBU CITY

HINDI

ISANG

JORDAN MOUYAL

NAMAN

POLITICIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with