^

Pang Movies

Ina 15 years hinintay ng men’s mag

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

After 15 years ay natuloy na rin ang pagiging cover girl ni Ina Raymundo para sa FHM magazine.

Una ngang inalok si Ina na maging cover girl ng FHM noong year 2000. Ito ang taon na nag-decide si Ina na magkaroon ng frontal nudity sa kanyang mga pelikulang Burlesk Queen Ngayon at Madam X.

Noong ma-schedule na ang photo shoot ni Ina, hindi nakarating ang sexy actress dahil inatake ito ng kanyang sakit na hika. Kaya pina-reschedule na lang ang nasabing photo shoot.

Pero sunud-sunod ang nangyari na noon sa buhay ng tinaguriang Sabado Nights Girl. Nabuntis na ito at kinasal sa kanyang boyfriend na si Bryan Poturnak kung kanino meron siyang limang anak ngayon.

Kaya noong matuloy na ang photo shoot ni Ina for FHM, hindi makapaniwala ang photographer na may limang anak na ang 40-year old actress dahil sa porma ng katawan nito na para pa ring dalaga.

Cover si Ina ng November 2015 issue ng FHM.

Kasalukuyang napapanood si Ina bilang si Brenda sa Kapuso primetime teleserye na MariMar na pinagbibidahan ni Megan Young.

Singaporean reporters nakisawsaw na rin sa AlDub

Sunud-sunod ang mga international news na tungkol sa AlDub loveteam nila Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Pagkatapos silang talakayin ng mga international news agencies na CNN, BBC at Bloomberg, naglabas naman ng kanilang observation ang Strait Times Online ng bansang Singapore.

Ang kanilang pinag-usapan sa AlDub ay ang “traditional yet unique structure of the AlDub love story.”

Ayon sa writer na si Raul Dancel, ang kalyeserye ay maihahalintulad sa mga kuwento tulad ng Cinderella at Romeo & Juliet kung saan pinapatunayan ng lalake ang kanyang tunay na pag-ibig sa isang babae sa pagdaan sa ilang mga pagsubok.

Nabanggit din ang naitalang Twitter record ng hashtag #AlDubEBTamangPanahon na 41 million tweets noong nakaraang October 24.

Dahil sa phenomenal success ng AlDub, naka-score sila ng multiple deals na mag-endorse ng maraming produkto.

Lindsay Lohan napabilib ng Pinay group na 4th Impact

4th Impact na ang bagong pangalan ng all-girl Pinay group na 4th Power na patuloy na pinapahanga ang audience at judges ng talent competition show na X-Factor UK.

Simula noong mag-live audition sila sa Wembley Stadium noong August, parati na lang silang inaabangan hanggang sa mapasama na sila sa Final 13 contestants.

Noong nakaraang linggo ay ang 4th Impact ang unang nag-perform ng live sa kauna-unahang live show ng X-Factor UK.

Pinuri nga sila ulit ni Simon Cowell dahil sa unmatched vocals nila na sinasamahan pa nila ng pagsayaw.

 “That was fantastic. You know what’s great about you girls? You are great singers, and you’ve got attitude and you are passionate. I’ve had to hand this to you tonight. You’ve done an outstanding job,” sey pa ni Cowell.

Ang isa pang judge at mentor ng 4th Impact na si Cheryl Fernandez-Versini ay sinabing isang blessing ang girl group na ito sa naturang competition.

 “I couldn’t be more proud. Please stop thanking us because we are thankful to have you,” sey pa nito.

Kabilang sa tagahanga ngayon ng 4th Impact ay ang Hollywood actress na si Lindsay Lohan. Nag-tweet ito kina Simon at Cheryl para sabihin na iboboto niya ang mga ito.

Heto ang tweet ni Lohan: “I love these girls and my vote is with them! @cherylofficial said it best! @simoncowell #happyCHANELoween”

Binubuo ang 4th Impact ng magkakapatid na Mylene, Celina, Irene at Almira na mula pa sa probinsya ng Isabela.

Ilang talent competition shows na ang sinalihan nila rito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Pero sa X-Factor UK sila talagang nakilala at hinangaan dahil sa kanilang husay sa pag-perform.

 

vuukle comment

4TH

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BRYAN POTURNAK

BURLESK QUEEN NGAYON

CHERYL FERNANDEZ-VERSINI

INA

LINDSAY LOHAN

NBSP

X-FACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with