^

Pang Movies

Bagong That’s My Tomboy hinirang na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinirang na ang pinaka-astig na tomboy sa ginanap na grand finals ng That’s My Tomboy noong Sabado sa It’s Showtime.

Hindi nagpapigil si Kit Cunanan sa pagpapasikat pati na rin sa pagpapakilig sa madlang people at sa mga hurado at nagkamit ng P300,000 bilang premyo.

Hindi rin nagpahuli ang first runner up na si Mary Christine Nishie at ang second runner up na si Julianne Tuason na parehong nanalo ng P50,000.

Panalo rin ang grupong Names Going Wild mula Navotas City sa grand finals ng pakilabutan ng costumes at pagalingan ng pag-indak na Halo-Halloween.

Nagkamit sila ng P100,000 sa kanilang kakaibang horror-themed performance.

Nakipagsabayan din sa takutan ang It’s Showtime hosts sa kanilang mga Halloween costumes tulad nina Vice Ganda bilang ang manikang si Anabelle, Karylle na naging isang zombie, at Jhong Hilario na nagbihis bilang ang game character na si Pacman.

Maging ang madlang people ay nakisaya at nakipagtakutan sa Halloween special ng It’s Showtime. Dalawang mapalad na studio audience na nagbihis bilang mga nakakatakot na karakter ang pinagkalooban ng cash prize.

Huwag palampasin ang saya at good vibes na dala ng It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang It’s Showtime sa Facebook at Twitter (@ItsShowtimena).

 

vuukle comment

ANG

JHONG HILARIO

JULIANNE TUASON

KIT CUNANAN

MARY CHRISTINE NISHIE

MY TOMBOY

NAMES GOING WILD

NAVOTAS CITY

SABADO

SHOWTIME

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with