^

Pang Movies

Bailey at Ylona may spark na agad

PARINIG NGA - Lanie B. Mate - Pang-masa

Ang husay ni Direk Jerome Pobocan dahil napaarte niya ang mga Pinoy Big Brother (PBB) housemate sa Short Film Festival ng  #PBB Trending: Love ng Kapamilya Network.

Sa unang tambalan pa lang nina Bailey at Ylona, gumagana na agad ang mga mata ng dalawang Big 4 Teens ni Kuya na nagpapakilig sa kanilang fans.  

Sabagay, kahit naman sina Dawn at Zeus, Miho, at Tommy madaling naipakita ang kilig sa mga eksena dahil pare-pareho na silang may real feelings sa isa’t isa.

Hindi rin nagpahuli sa eksena sina Roger at Franco.

At least, bago sila lumabas sa Bahay ni Kuya, sumalang ang housemates sa tradisyunal na short film ng PBB at na­binyagan rin sila ni Direk Jerome.

Pare-pareho naman silang may future. Pero siyempre, mas may hatak sa teens ang tambalan nina Bailey at Ylona na kahit parehong tumatanggi sa nararamdaman ay hindi maitago sa mga body language ang kanilang pagkakamabutihan.

Samantala, marami rin ang nagbubunyi dahil parehong kasama sa Big 4 sina Miho at Tommy.

Susan bistado na si Coco, Richard Yap pasok na sa Probinsiyano

Ang husay-husay din nina Susan Roces at Jaime Fabregas sa palabas na Ang Probinsiyano sa episode nila last Friday kung saan nabuking na hindi si Cardo (Coco Martin) ang kasama niya sa bahay.

Maging ang kumprontasyon nina Susan at Coco hindi nagpahuli ang aktor sa dramahan sa misis ni Fernando Poe, Jr.

Mas excting na ang bakbakan ngayong linggo sa pagpasok ni Sir Chief Richard Yap.

 

vuukle comment

ANG

ANG PROBINSIYANO

COCO MARTIN

DIREK JEROME

DIREK JEROME POBOCAN

FERNANDO POE

JAIME FABREGAS

KAPAMILYA NETWORK

KUYA

MIHO

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with