^

Pang Movies

Sen. Grace hindi apektado sa ginawa ng nanay ni Heart

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Very positive ang reaksyon ni Senator Grace Poe nang malaman nito na si Senator Miriam Defensor Santiago ang presidentiable na susuportahan ni Cecile Ongpauco, ang ina ni Heart Evangelista at biyenan ni Senator Chiz Escudero na running mate niya sa elek­syon sa 2016.

Hindi problema kay Mama Grace kung si Mama Miriam ang iboboto ng madir ni Heart dahil naiintindihan niya na matagal nang magkaibigan ang dalawa. Na­tural lang na maging loyal si Mrs. Ongpauco kay Mama Miriam dahil kung hindi, magkakaroon ng isyu tungkol sa loyalty at sincerity niya bilang kaibigan.

At least, nagpakatotoo ang nanay ni Heart. Hindi siya nagpanggap na si Mama Grace ang iboboto niya. Mabuti na ang ganoon kesa magsasalita si Cecile na susuportahan nito ang running mate ng kanyang manugang pero ang name pa rin ni Mama Miriam ang isusulat niya sa balota.

Sa totoo lang, hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa eleksyon sa 2016 pero marami na ang mga friendship na nasira dahil sa pulitika.

May mga nagtampo sa kanilang mga kaibigan dahil ibang kandidato ang susuportahan ng friends nila.

Hindi exempted ang showbiz dahil may mga kakilala ako na nagkaroon ng lamat ang friendship dahil sa pulitika.

Rep. Roman naligwak sa partido ni Mar dahil sa asawang si Shalani?!

Tingnan n’yo ang nangyari kay Pasig City House Representative Roman Romulo, ang asawa ni Shalani Soledad.

Official candidate dapat si Papa Roman ng partido ni Mar Roxas pero naligwak siya nang dumalo sila ni Shalani sa announcement ng kandidatura ni Senator Grace Poe.

Hindi naman nawalan ng partido si Papa Roman dahil blessing in disguise ang nangyari.

Official candidate na siya ngayon ng Partido Galing at Puso nina Mama Grace at Papa Chiz.

May mga nang-iintriga na baka iniligwak si Papa Roman sa Liberal Party dahil ex-girlfriend ni P-Noy ang napangasawa niya.

Siyempre, walang katotohanan ang mga intriga ‘no! Matagal nang nakapag-move on sina P-Noy at Shalani. Maraming beses nang nagkita ang dala­wa mula nang maghiwalay sila dahil napakaliit lang naman ng mundo ng pulitika na ginagalawan nila.

Baka tadhana ni Papa Roman na makasali sa partido nina Mama Grace at Papa Chiz dahil may ibang plano para sa political career niya ang Nasa Itaas.

Anak ni Vic kay Coney, hindi na bago sa pulitika

May experience pala sa public service si Vico Sotto, ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na kakandidatong konsehal sa unang distrito ng Pasig City.

Dalawang taon na nagtrabaho si Vico bilang chief of staff ng isang konsehal ng Quezon City kaya may sapat siya na kaalaman tungkol sa mga responsibilidad ng isang city councillor.

Nag-resign si Vico sa trabaho niya noong January 2015 dahil nagkaroon siya ng pakiramdam na wala nang maitutulong pa. ‘Yun pala, may mas malaking hamon ang naghihintay sa kanya kaya last minute nang mag-file siya ng certificate of candidacy.

“My stint as the chief of staff of a city councilor in Quezon City has been the biggest learning experience of my life thus far. I learned about things important and trivial; practical and absurd; open and confidential.

“But as thankful as I am for that opportunity, and without delving into specifics, my job was one of daily frustration.

“I discovered that many graft and corrupt practices have been so deeply institutionalized that many openly participate without even realizing that their acts are both unethical and illegal.

“I started working there in July 2013 and I resigned effective January 2015, because I felt like there was nothing left for me to contribute. I guess one can only do so much as an appointive/coterminous government official. I felt like it wasn’t really a position from which I could effect change.

“DESPITE my frustrating and dispiriting experience in government, however, I left the job with more optimism about government and politics than I have ever had before.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

MAMA GRACE

MAMA MIRIAM

NANG

NIYA

PAPA CHIZ

PAPA ROMAN

QUEZON CITY

SENATOR GRACE POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with