^

Pang Movies

Luha ni Angel napilitan ng ligaya ni Coco

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Napalitan agad ng saya ang pag-iyak ni Angel Locsin nang ipahayag niyang hindi na siya lilipad sa pelikulang Darna dahil sa health issues.

Ang pagpirma ng aktres ng bagong kontrata sa Kapamilya Network at sa Star Cinema kamakailan ay simula pa lang daw ng bago nitong blessings sa kanyang career.

Ngayon pa lang ay excited na agad si Angel sa promise na makakatrabaho niya si Coco Martin. Akala raw niya ay imposibleng mangyari ang dati’y pinapangarap lang niya.

Hindi rin mapapalampas ni Angel ang pagkakataon na makatrabaho ang award-winning director na si Olivia Lamasan para sa isang gagawin din nilang proyekto. Ngayon pa lang ay excited na si Angel dahil dadaan daw siya sa mga kamay ni Inang O. Alam daw niyang mas lalong mahahasa at lalalim ang kanyang passion pagdating sa aktingan kaya feeling blessed daw siya. 

Ngayon pa lang ay pinagmamalaki at ipinagpapasalamat na rin ni Angel ang pelikula na pinagsasamahan nila ng Star for All Seasons na si Vilma Santos kasama si Xian Lim. Siyempre pa proud din si Angel dahil nakatrabaho niya ang box-office director na si Bb. Joyce Bernal.

Gerald hindi makapaniwalang wala pang experience si Liza

Masaya si Direk Mae Cruz kina Liza Soberano at Enrique Gil na mga artista niya sa Everday I Love You at sinabi nito sa isang interview na mas malalim na raw ang atake ng dalawa sa acting na minsan na rin niyang nakatrabaho sa movie na She’s the One.

Aminado naman si Direk Mae na nahirapan siyang ilatag ang transition ng role ni Liza sa ginampanan nitong patay na patay sa kanyang first love na si Gerald Anderson at harapin ang true love sa katauhan naman ni Enrique.

Natuwa si Direk Mae dahil nagawa nang mahusay ni Liza ang kanyang role na natural at hindi pilit sa moment nito. Maging si Gerald ay napahanga rin kay Liza at hindi makapaniwalang sa edad nitong 17 years old na wala pang experience sa love ay mahusay na nagampanan ang role sa movie.

vuukle comment

ALIGN

ALL SEASONS

ANG

ANGEL LOCSIN

COCO MARTIN

DIREK MAE

ENRIQUE GIL

EVERDAY I LOVE YOU

NGAYON

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with