^

Pang Movies

Alden uma-attend pa rin sa Bible study!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kapag libre ang schedule niya, hindi nakakaligtaan ni Alden Richards na dumalo sa Bible study na ginaganap sa studio ng Eat Bulaga pagkatapos ng live telecast ng number one noontime show. How nice ‘di ba?

Maraming dapat ipagpasalamat sa Diyos si Alden dahil bumongga nang husto ngayong 2015 ang kanyang showbiz career.

Never na nakalimot si Alden sa pagpapasalamat sa Diyos na naging mabuti sa kanya dahil mabait na bata siya.

Walang challenge Alfred at Jolo, walang kalaban sa eleksyon

Dalawa sa mga alaga ko ang kakandidato sa susunod na eleksyon pero wala silang mga kalaban, si Alfred Vargas, ang incumbent house representative ng District 5 ng Quezon City at si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Pabor sa kanila na wala silang mga katunggali pero parang walang challenge ‘di ba?

In fairness kina Alfred at Jolo, maganda ang mga track record nila bilang mga public servant kaya si­guro walang may gusto na kalabanin sila sa kanilang mga posisyon.

Love na love si Alfred ng constituents niya sa District 5 at ganoon din si Jolo dahil palagi silang maaasahan sa lahat  ng oras na kailangan ang kanilang mga tulong.

AlDub mag, malakas ang bentahan

Happy ang staff ng YES Magazine dahil selling like hotcakes ang kanilang November issue na sina Alden Richards at Maine Mendoza ang cover.

Nakakaloka dahil ang mga kopya ng YES ang nakabalandra sa mga show window ng mga magazine store at bookstore, pati na sa magazine racks ng mga supermarket.

Nag-promise ang YES staff na papalitan agad nila ang mga mauubos na kopya ng magazine para makabili agad at hindi na maghintay nang matagal ang fans ng AlDub.

Sen. line up ng Poe-Escudero tandem, ihahayag na

Ngayon ihahayag nina Senator Chiz Escudero at Senator Grace Poe ang kumpletong listahan ng kanilang senatorial line up.

Confirmed na kasama sa list si Edu Manzano at si Congressman Roman Romulo, ang loving husband ni Shalani Soledad.

Malalaman natin ngayon kung kasali rin sa ticket nina Mama Grace at Papa Chiz si Manila City Vice Mayor Isko Moreno na kakandidatong senador sa 2016.

Magaganap ngayong umaga sa Club Filipino ang pinakahihintay na announcement ng Poe-Escudero tandem.

Baka dumalo si Luis Manzano sa Club Filipino announcement bilang moral support sa kanyang ama. Sinuportahan ni Luis at ng mga kapatid niya ang paghahain noon ni Papa Edu ng certificate of candidacy sa Comelec.

Liz ipinagamit din kay Yaya Dub ang jacket na ginamit niya

In hot water na naman ang stylist na si Liz Uy dahil sa jacket na ipinasuot niya kay Yaya Dub sa isang magazine pictorial.

Nagamit na ni Liz ang sosyal na jacket kaya super emote uli ang fans ni Yaya Dub na sumisigaw ng hustisya at umaapela na tsugihin na si Liz bilang stylist ng kanilang idol.

Tahimik pa si Liz sa mga batikos na natatanggap niya mula sa mga supporter ni Yaya Dub na nagpapasalamat sa akin dahil sa opinyon ko tungkol sa trato ng mga stylist sa kanilang mga kliyente.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALFRED VARGAS

ANG

CAVITE VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

CLUB FILIPINO

CONGRESSMAN ROMAN ROMULO

JOLO

LIZ

MGA

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with