Serye nina Julia at Iñigo, parang nabaon na sa limot
In town is Gretchen Barretto’s only daughter by husband, Tony Cojuangco, Dominique, who studies in London.
Si Dominique ang dahilan kung bakit bibihira nang makita sa Manila si Gretchen, especially, sa showbiz scene these days. Sinasamahan niya kasi ang anak sa London.
Tall, slim at pretty, like all Barretto girls are, obvious na walang balak si Dominique to join showbiz, like her equally pretty cousins.
By the way, what’s happening kaya to Julia Barretto, whose napapabalitang series with Iñigo Pascual, ay hindi pa naipapalabas hanggang ngayon.
Assunta siguradong hindi papatayin sa bagong serye
Thirteen years exactly ngayong 2015 mula nang ikinasal ang aktres na si Assunta de Rossi sa kanyang hacienderong asawa na si Negros Congressman Jules Ledesma.
To date, Assunta happily announces, intact ang kanilang pagsasama, bagama’t ‘di sila biniyayaan ng anak. May dalawang anak si Cong Jules with his first wife, na maagang binawian ng buhay.
Tumatayong ideal stepmother si Assunta sa dalawang bata.
Ayon kay Assunta, who is in the cast of the upcoming series. You’re My Home, wala na raw munang balak tumakbo for another term this election ang asawa. Aasikasuhin na lang daw nito ang kanilang hacienda at ilang negosyo.
Assunta didn’t elaborate kung anong role niya sa You’re My Home. Basta, hanggang sa huli raw ng serye ay kasama siya at hindi siya mawawala. Lalong hindi mamamatay na madalas nangyari sa kanya sa ilang shows na kanyang nilabasan.
Ang series daw na You’re My Home ang dahilan kung bakit mas madalas siya ngayon sa Metro Manila kesa Negros.
My tirahan ang mga Ledesma dito sa MM.
You’re My Home, a production of Star Creatives, headed by Star Cinema managing director Malou Santos, stars Richard Gomez, Dawn Zulueta, Tonton Gutierrez, JC de Vera, Jesse Mendiola and the new love team nina Paul Salas at Mika dela Cruz.
Paul at Mika nakitaan na agad ng pramis ni Direk Jerry
Jerry Lopez Sineneng, na siyang director ng You’re Home…, predicts na magiging as popular as the KathNiel, LizQuen at JaDine love teams ang team-up nina Paul at Mika.
Napansin daw niya ang maganda at kakaibang chemistry ng dalawa, when they appeared in the series, Dahil May Isang Ikaw, as child stars.
Mika, as we all know, is the younger sister ng aktres at Barangay official ng Malabon na si Angelika dela Cruz.
Paul, who dances well, has a dance choreographer for a father. Cousin ni Dingdong Dantes ang kanyang ama.
Sam at Jennylyn galit-galit muna
Tuwang-tuwa sina Sam Milby at Jennylyn Mercado dahil on its second week na ang first movie nila as a tandem, The PreNup, and still, pinipilahan pa ito ng manonood.
Yes, despite the paiba-ibang weather. Umuulan kung minsan, tapos bigla na lang aaraw ng matindi.
Kapwa busy na this time sina Sam at Jenny with their individual assignments. Sinimulan na ni Sam ang pagte-taping for his new series, Written In The Stars with Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sarah Lahbati at Jolina Magdangal, among others.
Jenny naman has started shooting for his Metro Manila Filmfest (MMFF) entry, Walang Forever, where she gets paired with Jericho Rosales for the first time.
Iza ramdam ang katarayan
Hindi raw inakala ni Iza Calzado na one day soon, she will play lead roles in both movies at TV.
Dati raw kasi, ayon pa kay Iza, kapag tinitingnan daw niya ang sarili sa salamin, parang ang tapang-tapang ng mukha niya at medyo masungit.
Kaya, di raw nagtaka si Iza, when in her first series, Kung Mawawala Ka, with GMA 7, where she was first under contract, she played a kontrabida role.
With her in the series were Eddie Garcia, Sunshine Dizon and Cogie Domingo, with Joel Lamangan as director.
- Latest