Kalyeserye isinalin na sa DVD, kahilera na ng Heneral Luna at Felix Manalo
Phenomenal ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub.
Sa lakas ng kanilang tambalan, balitang kukunin sila ng COMELEC para hikayatin nila ang mga botante na wala pang biometrics na pumunta na sa COMELEC sa kanilang mga munisipyo o sa mga in-assign na malls dahil hanggang sa Saturday, October 31 na lamang ang registration. Walang biometrics, hindi kayo pwedeng bumoto sa 2016 elections.
Nakakaloka rin na ang kalyeserye nila sa Eat Bulaga ay isinalin na sa DVD at bumibenta raw nang husto, kasama ng ilang ipinalabas nang pelikula na Heneral Luna at Felix Manalo.
Ngayong dumating na ang tamang panahon at pwede nang magsalita si Yaya Dub, hindi kataka-taka na lalo pang dumarami ang mga offers ng endorsements sa dalawa. Sa totoo lang, ang balita namin hanggang December, seven new endorsements pa ang gagawin nila, solo o magkasama silang dalawa.
Pero ngayon ang isa pang concern nina Alden at Maine ay ang pagsu-shooting ng entry nila sa Metro Manila Film Festival sa December, ang My Bebe Love, with Vic Sotto and AiAi delas Alas. Nang makausap namin si Direk Joey Reyes sa presscon ng movie niyang No Boyfriend Since Birth ng Regal Entertainment Inc., naitanong namin kung kailan niya isu-shoot na magkasama na sina Alden at Maine, any day daw this week.
Tiyak na magbubunyi na nang husto ang AlDub Nation na ito naman ang susunod nilang malaking project pagkatapos ng AlDub Library Project.
Dingdong nahiyang sa pag-aalaga kay Marian, lumolobo ang katawan
Mukhang hiyang si Dingdong Dantes sa pag-aalaga sa asawang si Marian Rivera na malapit nang magsilang sa kanilang si Baby Letizia next month. Napansin namin na parang medyo lumaki si Dingdong while hosting the elimination night of Starstruck 6 with Megan Young at isa rin sa council of judges kasama sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado at Regine Velasquez-Alcasid.
Pansamantala namang iiwanan na muna ni Marian ang pagho-host sa Sunday PinaSaya at mamaya na ang last appearance niya sa comedy variety show dahil pahinga na muna siya para maghanda na sa nalalapit niyang date with the stork.
Janine first time kina Mark at Aljur
No qualms si Janine Gutierrez tungkol sa kanyang lovelife at ng boyfriend na si Elmo Magalona, kaya naman all smiles siya nang makausap namin sa presscon ng Dangwa ang first morning drama series niya sa GMA 7 na mapapanood na simula ngayong Lunes, October 26, 11:00 a.m.
Ayon kay Janine, very supportive naman si Elmo kahit hindi sila ang magkatambal this time.
Pero masaya raw na katrabaho sina Mark Herras at Aljur Abrenica, ang dalawa niyang leading men kaya masaya sila lagi sa set.
First time niyang makakatrabaho ang dalawa na nakasama lamang niya noon sa Party Pilipinas.
Produced by GMA News & Public Affairs, ang Dangwa ay idinidirek ni Adolph Alix Jr.
- Latest