Willie ipinadarakip sa kasong child abuse!
MANILA, Philippines – Kinakaharap ngayon ng komedyante at Wowowin host na si Willie Revillame ang isang kaso ng child abuse matapos paboran ng Court of Appeals (CA) ang naging desisyon ng Regional Trial Court (RTC) ng Quezon City, sapat na dahilan para arestuhin siya.
Ang nasabing kaso ay kaugnay ng kontrobersiyal na episode noong March 12, 2011 sa dating programa ni Willie na Willing Willie kung saan pinasayaw ng TV host ang isang anim na taong gulang na batang lalaki.
Matatandaan ding umiyak ang bata habang sumasayaw ng kagaya sa isang macho dancer. Sinabihan din ni Willie ang bata na ulitin ang pagsayaw nito at saka binigyan ng P10, 000 na premyo.
- Latest