Para makakuha ng tickets Gov. Vi hiningan ng tulong ng mga nagkukumahog na AlDub fans!
MANILA, Philippines – Hiningan ng tulong ng mga Batangueño si Governor Vilma Santos-Recto na makakuha ng tickets para sa Ang Tamang Panahon special ng Eat Bulaga kalyeserye ngayong Sabado sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Mas updated nga sa amin si Gov. Vi sa kaganapan sa kalyeserye, huh! Hindi kasi namin napanood ang episode last Saturday kaya hindi namin alam na may ganap pala ang AlDub loveteam sa pinakamalaking venue ngayon.
Kahit daw magkano ang halaga ng ticket ay manonood sila sa bandang malapit na upuan. Fan na fan kasi ng maraming Batangueño nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
As we all know, ilang minuto pa lang nang i-announce na sa Phil. Arena ang Eat Bulaga sa Sabado, kesehodang may bayad sa ticket, nagkagulo ang AlDub Nation sa buong bansa! Giba ang website ng mga nagbebenta ng ticket sa online, huh!
Umaapela tuloy ang ilang members ng AlDub Nation. Almost 200-K pala ang members nila eh, 50-K lang ang capacity ng Philippine Arena, huh!
For a cause ang special presentation na ito ng kalyeserye dahil ang malilikom na pera ay pampatayo ng libraries at pambili ng libro na idu-donate ng programa.
Naku ngayon pa lang, super kabog na ang dibdib ng katapat na programa ng Bulaga. ‘Di hamak kasing mas malaki ang venue ng Bulaga kesa sa pinagtanghalan nila. Kaya naman may kumakalat na suggestion sa social media na sa Luneta gawin ang show sa Sabado ng sisinghap-singhap na program, huh!
Biro nga ng isa naming kaibigan, “Gawa sila ng farewell episode ng show. Baka sakaling tauhin na sila! Ha! Ha! Ha!”
Senior celebrity binalaan at binusalan ang isang aktres
Natalakan pala ng isang senior showbiz celebrity ang aktres na kulang sa pansin dahil sa pahayag tungkol sa isang kamag-anak.
Eh, binigyang-babala pa raw ng senior celeb na sa susunod na dadaldal ang aktres, mumurahin na siya, huh!
Kaya naman daw nu’ng nagkaroon minsan ng pa-interview ang cast ng isang drama series kung saan kasama ang aktres, tumahimik na raw siya’t hindi na masyadong dumaldal, huh!
Starlet tuloy ang laban sa mapang-aping director
Tumawag daw ang isang award-winning director sa isang bit player na inireklamo ng isang director.
Okey na sana ‘yung request ni direk na pag-usapan na lang ang reklamo niya.
‘Yun nga lang, may kasamang pananakot ang kasunod na sabi ng director.
Kung hindi raw kasi papayag ang bit player, baka ma-ban siya ng ibang directors at mawalan ng gana ang ilang director na isama siya sa movie, huh!
Pero mukhang tuloy ang laban ng bit player. Marami siyang nakuhang tagapagtanggol na wari ba’y isang malaking showbiz issue ang nangyari sa kanya, huh!
- Latest