^

Pang Movies

Alden mabilis nang umiyak

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagbunga na ang acting workshop ni Alden Richards sa GMA 7 dahil madali na siyang mag-emote sa kalyeserye nila ni Yaya Dub sa Eat Bulaga.

Iyak kung iyak talaga at tumutulo ang kanyang luha sa dalawang pisngi. Hindi lang din sina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon ang affected, pati ang AlDub fans ay nadala rin sa pag-iyak ni Alden sa tampuhan nila ni Yaya Dub.

Puwede nang bigyan ng mabibigat na drama roles si Alden dahil sa performance niya sa kalyeserye.

Hindi rin nagpapahuli si Yaya Dub dahil emotera rin ito kapag naluha na si Alden.

Effective ang paghihiwalay na ginagawa sa loveteam na swak naman sa ginawagang istorya ng dalawa sa kalyeserye.

Paolo matindi ang pangangailangan

Delikado naman ang death defying act ni Paolo Ballesteros kung saan siya winner sa Bulaga Pa More segment ng EB last Saturday.

Hindi biro ang ginawa niyang paglambitin sa ere kung saan isinabit sa leeg niya ang isang tali tapos nagpapaikut-ikot na walang safety measures.

Well, nagwagi naman siya at masuwerte rin ang eskwelahan na hinatian niya ng P500,000.

Kathryn nasosobrahan na raw sa pag-iyak

Dapat gawan agad ng paraan ng writers ng Pangako Sa ‘Yo ng ABS-CBN dahil bad trip na ang mga nanonood na bagets kapag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na ang ipinakikita sa mga eksena.

Dapat bawasan nila ang iyakan nina Yna Macaspac (Kathryn) at Angelo Buenavista (Daniel). Panira raw kasi ng moment sa mga nakakikilig na eksena nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria) at  Eduardo Buenavista (Ian Veneracion).

Kailangan na rin ni Daniel na mag-undergo ng acting workshop dahil n­agrereklamo na ang mga bagets na kulang daw sa emosyon ang binata.

Hindi nakapagtataka na mas malakas ang hatak ng On the Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre na parehong natural sa kanilang pag-arte. Tinambakan pa ng kilig moments ang dalawa kaya lalong patok sa fans nila.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALIGN

AMOR POWERS

ANG

ANGELO BUENAVISTA

BULAGA PA MORE

DANIEL PADILLA

LEFT

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with