^

Pang Movies

Rocco ayaw muna patali kay Lovi, mas trip magpayaman

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kahit gaano ka-busy sa kanyang showbiz career si Rocco Nacino, there’s no stopping him para mag-explore pa ng ibang pagkakaabalahan.

May dalawa na siyang branches ng Elorde Gym sa Ortigas Center at sa Marcos Highway in Marikina.

Ngayon, kasama ang kanyang family, nagbukas na sila ng franchise store ng Rufo’s Famous Tapa na personal nilang inaasikaso ng younger brother ni­yang si Kyle na graduating na sa college next year, with the help of their parents.

Naimbita kami ni Rocco through her Mommy Linda sa formal opening ng Rufo’s last Saturday, October 10. Masayang ibinalita ni Mommy Linda na tamang-tamang naghahanap sila ng food franchise, since retired na siya sa work at ang pinagkakaabalahan lamang niya ay ang advocacy niya na Fight For Breast Cancer as she has been a breast cancer survivor na for 15 years. Noon nila nakilala si Paul Izon Reyes, president ng Rufo’s Famous Franchise Corporation at ang naibigay pa sa kanilang store ay iyong nasa tapat ng GMA Network.

Open sila 24/7 at napansin naming mura lamang ang bawat set ng food doon, tamang-tama raw lamang at affordable ng clients ang prices.

Biniro tuloy namin si Rocco kung mag-aasawa na siya kaya nagpapayaman na siya? Siyempre pa, on hand to support him ang girlfriend na si Lovi Poe at kasama ang iba pang Kapuso stars like Mark Herras, Winwyn Marquez, Diva Montelaba, Mariel Pamintuan, ay siyang nag-cut ng ribbon.

“Hindi po naman, I’m only 28 now, maganda lamang iyong paggising ko sa umaga, alam ko ang mga priorities ko, organized na ang schedule ko,” sagot ni Rocco.

“Three times a week nagti-taping ako ng Beautiful Strangers two days taping ko sa Starstruck 6 at kung minsan may out-of-town shows pa ako. But I make it a point na lagi akong nakakadaan sa restaurant para alamin ko kung ano ang development.

Nakakatuwa na sabi nila ay mas nag-improve na raw ang service at ang food hindi tulad sa unang humawak ng Rufo’s. Every month din may special offer kaming discount sa mga employees ng mapipili naming company. Ngayon, GMA employees ang may discount sa amin.”

May isa pang gustong i-pursue si Rocco, ito ay ang ituloy ang course na medicine. Graduate na si Rocco ng nursing bago pa siya pumasok sa Starstruck 5. At ngayon gusto niyang ituloy ito at soon maging isang doctor naman siya.

Alden balik-EB na para sa birthday ng ‘tatay’ nila ni Maine

Ngayong Monday, October 12, naka-schedule bumalik from Japan sina AiAi delas Alas, Aicelle Santos at Alden Ri­chards mula sa GMA Pinoy TV Show sa Tokyo, Japan.

Kaya excited na ang AlDub fans kung after five days ay muli nang magkakasama sina Alden at Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

But we heard na sa October 14 pa ang balik ni Alden sa EB on time sa pagsi-celebrate ng birthday ng itinuturing na tatay ng AlDub, si Joey de Leon.  May shooting daw kasi si Alden ng kanilang My Bebe Love for the Metro Manila Film Festival (MMFF).

Pero today ang launch ng bagong TV Commercial nina Alden at Maine na tungkol sa isang fabric and home care pro­duct. Bale pangatlong TVC na nila ito kahit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin sila pwedeng magkasama sa shoot.

vuukle comment

ACIRC

AICELLE SANTOS

ALDEN RI

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BUT I

DIVA MONTELABA

MOMMY LINDA

NBSP

ROCCO

RUFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with