^

Pang Movies

Paulit-paulit hanggang ma-perfect Jennylyn at Sam ang daming tikiman!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Every man’s dream ang deskripsyon ni Sam Milby sa first time leading lady niyang si Jennylyn Mercado sa rom-com na The PreNup ng Regal Entertainment. Feel na feel niya ang pagiging sporty, outgoing at preppy ni Jen na hindi ipinagkakailang puwede siyang ma-in love sa kaparehang actress.

Eh, nakaka-in love pa ang locations na pinili ni Direk Jun Lana sa shoot nila sa New York City kaya naman hindi puwedeng hindi mangyari ‘yon sa mga bida niya. Pinakamahirap nga lang ‘yung shooting nila sa matao na Times Square sa rami nang nagpupunta roon na hindi puwedeng sabihang tumabi.

“Siyempre, makikiusap ka. Eh, napakapasensyoso rin ng mga artista namin. Paulit-ulit kami hangga’t hindi namin makuha. Ang daming tao!” sey ni Direk Jun.

Anyway, kung may qualities si Jen na feel ni Sam, ano naman kaya ang qualities ni Sam na gusto ng aktres?

“Ganoon din kasi pareho kami nang ginagawa eh. Martial arts! Minsan, nag-wrestling kami!” panimula ni Jen.

Nag-wrestling na sila ni Sam?

“Hindi! Nakatayo lang! Kasi naglolokohan kami! Pagbaba namin ng boat, tapos sabi ko, pero pinupormahan ko siya ng ganito. Tapos, bigla na lang akong inano eh! Ano ang ginawa mo sa akin?” tanong niya sa katabing si Sam sa presscon ng movie. Nagulat siya nang malaman na marunong ding mag-wrestling si Sam.

“Tahimik lang siya. Pero pag kinausap na, ang dami na niyang laman. Ang dami na niyang sinasabi! Makulit na rin. Kailangan mo siyang  i-break in para dumaldal!” sey pa ng aktres.

Sa trailer, may eksenang ipinakita ni Sam ang maganda niyang katawan kay Jen.

“Oo, may abs siya, huh! Sa chest…Hindi ko hinawakan. Huwag! Ayaw. Nakakahiya! Ang daming tao! Ha! Ha! Ha!” birong rason ng Kapuso actress.

Ayon kay Direk Jun, may love scenes sila ni Sam. Kumusta naman siyang ka-love scene?

“Maingat po ‘yan. Maingat ‘yan sa lahat ng galaw niya! ‘Okey lang ba?’ Gaganyan siya. ‘Okey ka lang,” kuwento ni Jen.

Kumusta naman siyang kahalikan lalo na’t maraming klaseng halikan ang mapapanood sa kanila sa movie?

“Okeyyy!!! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Jennylyn. “Eh, di okey. Maayos naman. Very gentle naman kasi ‘yang si Sam! Maingat talaga. Gentle kisser!” katwiran ng aktres.

Paliwanag naman ni Direk Jun, “Kasi, ‘yung unang halikan nila, sa Central Park, nagkakahiyaan pa. Medyo, ang tigas! Paulit-ulit, ang tigas!

“So sabi ko, mas malambot pa. At ang sumunod, hindi ko na kailangang sabihin kasi, sila na! Todo na!” katwiran ni Direk Lana.

Paulit-ulit daw ang laplapan ng dalawa dahil gusto ng director na maraming takes siyang pagpipilian. “Siguro mga ten (kissing scenes)! Tapos, pagdating sa Manila, maraming kissing scenes,” dagdag ng director.

Kung si Sam ay walang babae, si Jen ba, wala rin? “Oo, free ako. Wala akong karelasyon ngayon! Wala po. ‘Wag kayong ano. Bakit ba ninyo pinagpipilitan? Ha! Ha! ha!” deklara ni Jen.

INC inspired dahil sa grade A ng CEB sa Felix Manalo

Bongga ang grade na binigay ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa bio-flick na Felix Manalo – A! No wonder, nagbubunyi ang INC pati ang director na si Joel Lamangan, lead cast na sina Dennis Trillo at Bela Padilla sa recognition na ibinigay sa movie.

Kaya naman ang balita namin, inspiradung-inspirado ang INC sa malaking premiere night ng movie this Sunday sa Philippine Sports Arena. This is touted as the biggest of all premiere nights na puwedeng pang-Guinness, huh!

Sa October 7 na ang showing ng Felix Manalo kaya pumila ng maaga sa mga sinehan!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELA PADILLA

CENTRAL PARK

DIREK JUN

FELIX MANALO

HINDI

MAINGAT

NAMAN

PAULIT

SAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with